Default Thumbnail

9 timbog sa illegal gambling sa Siniloan

February 14, 2023 Gil Aman 260 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Siyam katao na pawang sangkot sa ilegal na pagsusugal ang inaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Siniloan, Laguna araw ng Lunes.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, acting provincial director, Laguna PPO (Police Provincial Office) ang mga suspek ay pawang kalalakihan.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Robin L. Martin, hepe ng Siniloan Police, nagsagawa sila ng anti-illegal gambling operation dakong 9:40 ng gabi sa may Barangay Wawa, Siniloan, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos maaktuhan na nagsusugal.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang roulette wheel, dalawang pirasong tarpaulin na may nakaimprentang mga numero at bet money na nagkakahalaga ng P6,893.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Siniloan at nahaharap sa kasong kriminal na RA (Republic Act) 9287 “An Act Increasing the Penalties For Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of Presidential Decree No. 1602.”

Ayon sa pahayag ni Silvio, “Ikinatutuwa ko ang ang mas tumitibay na samahan ng pulisya at mamamayan para sa pagpapatupad ng peace and order dito sa lalawigan ng Laguna at makakaasa kayo na gagawin ng Laguna PNP (Philippine National Police) ang lahat para sa mapayapang pamayanan.”

AUTHOR PROFILE