Default Thumbnail

77 katao timbog sa Batangas

July 21, 2023 Jojo C. Magsombol 147 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Umaabot sa 77 katao ang nasakote ng mga pulis sa lalawigang ito dahil sa ibat-ibang krimen mga sa ginawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) noong Miyerkules.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito Gaces, 10 sa mga naaresto ang tinaguriang Most Wanted Persons (MWP).

Samantala, 17 ang naaresto sa operasyon kontra ilegal na droga at tinatayang nasa 4.5 gramo ng shabu at 11.3 gramo ng marijuana na may kabuuang P32,406 halaga ang nakumpiska.

Umabot naman sa 20 katao ang natiklo sa ilegal na sugal na nagresulta sa pagkakumpiska ng P9,986 na taya.

Tatlo sa mga naaresto ang dahil sa ilegal na pagmamay-ari ng baril.

“Tuloy-tuloy lamang po ang ating kampanya laban sa kriminalidad. Ipagbigay alam lamang po sa inyong kapulisan ang anumang bagay na makakasira sa kapayapaan at katahimikan ng komunidad,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE