Default Thumbnail

5 nasakote sa droga, sugal sa Parola

May 3, 2023 Jonjon Reyes 190 views

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 o Illegal Gambling ang limang indibidwal bukod sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 sa iligal na droga ang dalawa na nakitaan ng shabu sa Parola Compound, Barangay 275, Binondo, Maynila Miyerkules ng madaling araw.

Base sa ulat ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD), bandang 2:25 ng madaling araw (Mayo 3), habang nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa nasabing lugar ay namataan ang mga nag-uumpukang mga kalalakihan kabilang ang isang babae na naglalaro ng “cara y cruz.”

Dito na sila inaresto pangunguna ni P/Lt. Lyn Del Monte kasama si PSMS Alfredo Fabian lll, at nakumpiska ang shabu sa dalawang suspek na aabot sa apat na gramo at may halagang P27,200.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat at papuri si “The Game Changer General” MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng DSOU dahil sa patuloy na operasyon kontra kriminalidad sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE