Fire

5 miyembro ng pamilya natusta ng buhay

May 25, 2023 Zaida I. Delos Reyes 190 views

LIMANG miyembro ng pamilya ang natusta ng buhay makaraang ma-trap sa nasusunog na bahay nitong Martes ng tanghali sa Cagayan de Oro.

Nakilala ang mga biktima na sina Chariz Veil Cagampang, 25, partner nitong si Melvin Subteniente, 26, at mga anak nila na sina Shider Jed Cagampang, 10; Charade Benz Subteniente, 9, at Seem Wheired Balana, 2

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 12:35 ng tanghali sa loob ng bahay ni Ronie Cagampang na matatagpuan sa President Sergio Osmeña Street, Zone 1, Barangay 34, Cagayan de Oro.

Na-trap ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay dahil mabilis na kumalat ang apoy at agad na nilamon ang kabuuan ng bahay.

Nadamay din sa sunog ang apat pang bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang pinagmulan ng sunog at magkanong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.