Default Thumbnail

3 patay sa pagsabog sa bahay sa Zambo del Norte

April 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 297 views

TATLO katao ang nasawi matapos ang pagsabog sa loob ng isang bahay nitong Biyernes ng hapon sa Zamboanga del Norte.

Nakilala ang mga biktima na sina Diego Babor Barnido, 29, aktibong miyembero ng CAA, residente ng Purok Codogon, Barangay Lawigsn, Labason, Zamboanga del Norte; Benefrancis Babor Barnido, 25, at Sabina Baylosis Barnido, 34, pawang mga residente ng Purok Ipil-ipil, Bgy. Lawigan.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)9 ang insidente ay naganap dakong 4:20 ng hapon sa bahay ni Diego.

Nag-uusap umano ang mga biktima sa loob ng bahay nang bigla na lamang nagkaroon ng malakas na pagsabog.

Matapos ang insidente ay nakita ang mga biktima na duguan at nakahandusay sa sahig at nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

Agad namang nagtungo ang mga tauhan ng Labason Municipal Police Station upang magsagawa ng imbistigasyon sa insidente.