Droga MALAKASAN ‘TO–Nagsagawa ng inventory ang mga operatiba ng MPD sa mga nasabat na droga mula sa tatlong drug suspek na nahuli sa Binondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

3 nalambat sa P510K na shabu sa Binondo

April 5, 2024 Jonjon Reyes 128 views

HIMAS-rehas ngayon ang tatlong drug suspek matapos matimbog ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Binondo Meisic Police Station 11 na may dalang P510,000 na halaga ng shabu sa Binondo, Maynila noong Biyernes.

Kinilala ni Police Lt. Col. Roberto Mupas, hepe ng nasabing station, ang mga natiklo na sina alyas Tony, 49, alyas Inso, 41, at alyas Jameela, 31, dalaga na taga-Binondo.

Bandang alas-4:10 ng madaling araw ng mahuli ang tatlo na may dalang mahigit P510,000 na shabu na tumitimbang ng halos 75 gramo.

AUTHOR PROFILE