Donbelle

2024 Star Magical Prom naging tagumpay

March 15, 2024 Aster Amoyo 97 views

NAGING malaking tagumpay ang ikalawang taon ng 2024 Star Magical Prom ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na ginanap sa Bellevue Manila nung nakaraang Huwebes ng gabi, March 14, 2024 kung saan dumalo ang kanilang mga contract young stars and talents na pinangunahan ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na siyang tinanghal na King and Queen nung isang taon.

Ang magka-loveteam (at magkasintahang?) sina KD Estrada at Alexa Ilacad ang tinanghal at kinoronahang King & Queen ng 2024 Star Magical Prom this year at ipinutong sa kanila nina Donny at Belle ang korona. Sina Raikko Mateo at Trisha Gomez naman ang napiling Charming Prince and Princess. Noble Prince and Princess naman sina Harvey Bautista at Criza Taa habang Royal Prince & Princess naman sina Matthew Cruz and Anji Salvacion. Sina Brent Manalo at Vivoree Esclito naman ang tinanghal na Senior Batch Prince & Princess.

Kahit may Rico Blanco na sa tunay na buhay si Maris Racal, ang kanyang ka-loveteam na si Anthony Jennings ang kanyang kasama sa Star Magical Prom.

Bukod kina Donny at Belle, KD and Alexa, naghatid din ng kilig sina Seth Fedelin at Francine Diaz. Si Xyriel Manabat naman ang partner ni Zaijian Jaranilla. Magkasama naman sina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo, Hadiyah Santos at Luis Vera Perez, Mutya Orquia at Beaver Magtalas at iba pang magkaka-loveteam at magkakapareha.

Ang magka-loveteam (at magkasintahan?) na Francine Diaz at Seth Fedelin ang binigyan ng award as `the most viewed promposal’ at Best Promposal naman ang kina KD at Alexa sa Dubai.

Ang marami sa present young stars and talents ng Star Magic ang inaasahang magiging major stars balang araw.

Ang second year ng Star Magical Prom ay pangalawang taon na bale ng Star Magic na pinamumunuan ni Direk Laurenti Dyogi. Ito’y bukod pa sa taunang ABS-CBN Star Magic Ball na ginaganap naman sa buwan ng September.

Nakakatuwa lamang isipin na talagang pinaghandaan ng mga Star Magic stars and talents ang Star Magical Prom laluna pagdating sa kanilang naggagandahang mga kasuotan at ayos.

Sikat na ABS-CBN director first time gumawa ng sexy movie sa Vivamax

MARAMI ang ginulat ng mahusay na director na si Jerry Sineneng na nagsimula ang career sa bakuran ng ABS-CBN at nagtrabaho roon sa mahabang panahon ay gumawa ng kanyang debut movie sa Vivamax streaming app sa pamamagitan ng sexy movie na “Rita” na pinagbibidahan ni Christine Bermas at kung saan nito mga kabituin sina Gold Aceron, Victor Relosa at Josh Ivan Morales for streaming ngayong March 22.

Si Josh (na isa sa cast ng “Rita”) ang nagbuking na totoong kinabahan si Direk Jerry sa kanyang paggawa ng kanyang kauna-unahang sexy movie dahil mas kilala ito sa mga romantic and drama series and movies. Pero na-challenge umano siya sa cast na first time niya nakatrabaho (except for Josh) na lahat mahuhusay at collaborative.

Karamihan din naman ng mga director ng Vivamax movies ay mga de kalibreng director tulad na lamang nina Brillante Mendoza, Joel Lamangan, Joey Javier Reyes, Law Fajardo at marami pang iba kaya hindi kataka-taka na pati si Direk Jerry ay gumagawa na rin ng sexy film na siyang tema ng mga pelikulang ipinapalabas sa Vivamax.

Although first time naka-trabaho ni Direk Jerry sina Christine at Gold ay na-impress umano siya sa husay umarte ng dalawa.

“Ang nakakatawa, kami ni Gold ay may sexy scenes sa “Scorpio Nights 3” tapos dito sa “Rita” ay magkapatid kami,” natatawang pahayag ni Christine.

Maymay in-unfollow na ang Canadian BF sa IG

DID Maymay Entrata call it quits with her Canadian boyfriend na sina Aaron Haskell? Ito’y napansin ng netizens matapos i-unfollow ng ex-PBB big winner ang kanyang nobyo since 2022.

Tinanggal na rin nito ang photos nila together sa kanyang IG account.

Dahil dito, nabuhayan ang mga fans nina Maymay at Edward Barber na puwedeng matuloy ang tambalan ng dalawa.

Edward is being groomed by ABS-CBN bilang host kasunod nina Luis Manzano at Robi Domingo habang si Mayway ay nagpatuloy sa kanyang pagiging `kabogera’ bilang singer, actress, dancer at model.

Sina Maymay at Edward ay parehong graduate ng 2016-2017 Pinoy Big Brother: Lucky 7 season na siya nila naging tulay sa kanilang pagpasok sa showbiz.

Pagsasama nina Patricia at Doc Rob dumaan ng pagsubok

HINDI ikinakaila ng singer, actress, successful entrepreneur, philanthropist at dating beauty queen na si Patricia Javier na hindi umano perfect ang kanilang pagsasama ng kanyang American chiropractor husband na si Doc Rob Walcher dahil dumating umano sa point na kamuntik silang magkahiwalay. Mabuti na lamang at pareho nilang trinabaho na ma-save ang kanilang marriage alang-alang sa kanilang dalawang anak na sina Robert (Jr.) at Ryan na pareho nang teen-ager ngayon. Sa ngayon ay eighteen years na silang nagsasama bilang mag-aawa kasama ang kanilang dalawa anak na ang panganay ay going 18 na.

Sina Patricia at Doc Rob ay nagkakilala through a common friend sa San Diego, California when the singer-actress had a series of shows in California. It was love at first sight sa dalawa. When Doc Rob asked Patricia na sila’y mamasyal, sumama ang singer actress at dinala umano siya sa isang beach in La Joya at ipinakita rin sa kanya ang kanyang chiropractic clinic in San Diego. At the beach, gusto umano siyang halikan ni Doc Rob pero sinalag niya ito dahil napakabilis umano ng pangyayari. The next day, Doc Rob would leave for San Francisco habang si Patricia naman was heading for New York for another show. In New York ay nakatanggap siya ng tawag kay Doc Rob asking her to pass by San Diego bago ito bumalik ng Pilipinas.

Nang umuwi ng Pilipinas si Patricia, she would received long distance calls, e-mails and flowers from Doc Rob at sumunod ito ng Pilipinas para makita si Patricia at makilala ang pamilya nito.

Since si Patricia ang breadwinner ng kanyang pamilya, she made it a point na may maiiwan siyang negosyo sa kanyang ina at mga kapatid bago siya bumalik ng Amerika to marry Doc Rob at ikinasal ang couple in 2005 in San Diego, California where they stayed for several years. It was in 2014 nang mag-desisyon ang mag-asawa na bumalik ng Pilipinas and try their luck here. Six months later ay itinayo nila ang kanilang una-unahang chiro clinic in Quezon City na may limang branches na ngayon – Quezon City, Makati, Alabang, Cavite at Pampanga.

“We’re so happy that we made the right decision,” pahayag ni Patricia.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE