Millan

Pinay-Australian actress Martha Millan nagnakaw ng eksena

March 15, 2024 Eugene E. Asis 136 views

MarthaISA na namang Filipina ang nagpapakita ng husay sa Hollywood.

Siya si Martha Millan, na gumaganap bilang Mercy sa Netflix series na ‘The Gentlemen’ ni Guy Ritchie, producer-director na kilala sa kanyang stylized filmmaking.

Bilang Mercy na lider ng isang sindikato, napakahusay ni Martha at talaga namang ninanakaw niya ang mga eksena kung saan kasama niya ang mga bidang sina Theo James at Kaya Scodelario.

Sa dalawang episodes lamang kasama si Martha pero tumatak talaga ang kanyang karakter na ang unang dialogue ay ‘Mabuhay!’.

Ipinanganak sa Pilipinas (na ang mga magulang ay mula Surigao at Pampanga), una siyang nagkaroon ng pagkakataong maipakita ang husay sa pag-arte sa Australia kung saan sila nag-migrate ng pamilya noong siya’y 4 years old pa lamang.

Bago sa ‘The Gentlemen,’ hinangaan din siya sa isa pang sikat na series, ang ‘The Cleaning Lady’ kung saan bida si Elodie Yung, ang gumanap na Elektra sa Marvel film na ‘Daredevil.’ Sa naturang series, marami rin siyang nakasamang mga Filipino talents tulad nina Lou Diamond Phillips at anak na si Gracie Phillips, actress-producer Shay Mitchell, film director Marie Jamora at scriptwriter Celena Cipriasco.

AUTHOR PROFILE