Tolentino Pormal na pinangunahan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang pagsisimula ng Visayas Leg second edition ng Reserve Officers Training Course (ROTC) Games sa Panaad Park and Stadium noong Linggo.

2024 ROTC Games Visayas Leg pormal na binuksan ni Sen. Tol

May 27, 2024 People's Tonight 109 views

BACOLOD CITY — Pormal na pinangunahan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang pagsisimula ng Visayas Leg second edition ng Reserve Officers Training Course (ROTC) Games sa Panaad Park and Stadium noong Linggo.

Pinasinayaan noong nakaraang taon, ang ROTC Games ay isang collaborative effort ng mga institusyong pang-edukasyon at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang itanim ang disiplina, pamumuno, at pakikipagkaibigan sa mga kalahok mula sa mga yunit ng ROTC sa buong bansa.

May temang “Husay ng ROTC, Husay ng Kabataang Pilipino” ngayong 2004, nakapokus ang palaro sa pagpapakita ng skills at teamwork ng Filipino youth.

Sinabi ni Tolentino na may 1,000 student-athletes ang sasabak sa iba’t ibang sporting events, kabilang ang aquatics/swimming, arnis, athletics, boxing, e-sports, kickboxing, sepak takraw, taekwondo, table tennis, volleyball, basketball, target shooting, chess, at raider, gayundin sa paghahanap ng Ms. at Mr. ROTC.

“The ROTC Games will help revitalize the ROTC program through this annual sports competition for the ROTC cadets from various colleges and universities,” anang senador.

Si Tolentino ang honorary chairman ng Games’ Executive Organizing Committee (EOC) na binubuo nina Commission on Higher Education chairperson J. Prospero De Vera at Philippine Sports Commission chairperson Richard Bachmann.

Noong nakaraang taon, ang mga mag-aaral na kumakatawan sa Philippine Army ang nangibabaw sa pambansang kampeonato na may 20 gintong medalya habang ang Rizal Technological University ay umani ng anim.

AUTHOR PROFILE