Suspek Ang mga naarestong suspek. Source: Bureau of Immigration

2 pugante mula China pina-dedeport ng BI

April 23, 2024 Jun I. Legaspi 89 views

IPINADE-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawa pang Chinese fugitives na naaresto sa Cebu at Metro Manila.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga suspect na sina Zhu Yuanjiang, 25, at Ma MIngjie, 51, na nasakote sa magkahiwalay na operasyon ng BI’s fugitive search unit (FSU).

Si Zhu ay naaresto noong April 17 sa Bgy, Umapad, Mandaue City habang si Ma ay nahuli matapos ang dalawang araw sa kanyang tahanan sa Paranaque City.

Sinabi ni Tansingco na si Zhu ay inaresto sa bisa ng warrant of deportation na inilabas ng BI board of commissioners nang ipag-utos ang expulsion sa bansa noong isang taon.

Ipinag-utos ang pagpapadeport sa kanya dahil sa pagiging overstaying at matapos ang pagsisiyasat ng BI lumitaw na nagtrabaho siya sa bansa nang walang permit.

Natuklasan din na si Zhu ay dating nagtrabaho sa Xinchuang Network Technology Inc., isang online gaming hub sa Pasay City na niraid ng mga awtoridad noong June 2023 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa criminal activities tulad ng human trafficking at cyber fraud.

Sinabi ni Tansingco na si Ma ay dinakip dahil sa pagiging wanted fugitive sa China bunsod ng contract fraud at inisyuhan ng warrant of arrest ng Jiangbei district sub-bureau ng Public Security Bueau sa Chongqing, China noong Dec. 6, 2017.

Lumitaw na sangkot si Ma at iba pa nitong kasabwat sa pagtamper ng bank accounts at account names ng point of sale (POS) machine merchant na nagresulta sa unauthorized transfer ng mahigit 58 million yuan, o katumbas ng mahigit sa US$8 million mula sa China Minsheng Banking Corporation sa kanyang altered bank account.

Ang dalawang Chinese nationals ay nakadetine sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation.

AUTHOR PROFILE