BI Source: Bureau of Immigration

Trafficking victim nagpanggap na turista, naharang sa NAIA

April 23, 2024 Jun I. Legaspi 113 views

NAHARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang 29-year-old trafficking victim sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang tangkain umano nitong umalis patungong Thailand.

Iniulat ng Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) na unang nagpanggap ang lalaking biktima bilang turista na magbabakasyon sa Thailand.

Nagprisinta pa ito ng Cebu Pacific round trip ticket at identification cards bilang empleyado manpower agency sa bansa.

Gayunman kinakitaan siya ng inconsistencies sa kanyang salaysay kaya’t isinailalim sa secondary inspection.

Lumitaw da beripikasyon na peke ang iprinisinta niyang return ticket at inamin nitong wala na siyang planong bumalik at balak magtungo sa Chiang Rai, Thailand upang iligal na magtrabaho sa online gaming company.

Isinalaysay nitong nakausap siya sa pamamagitan ng Telegram ng isang babaeng recruiter na nag-alok sa kanya ng trabaho na may sahod na $1,200 kada buwan kapalit ng P30,000 na bayad.

Sinabi ni I-PROBES Chief Bienvenido Castillo III na hinihinala nilang ang suspect ay sangkot sa catphishing kung saan ang biktima ay aalukin ng trabaho sa online gaming companies subalit nagiging scammers sa ibayong dagat.

Kadalasang modus anya ay tuturuan ang mga biktima na magpanggap na nagtatrabaho sa manpower agencies.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco ang problema sa catphishing ang patunay na malaking problema ang online gaming companies sa Asian region.

Iniimbitahan anya nila ang mga naghahana ng trabaho na pumasok sa call centers o online gaming companies, subalit gagawin lamang catphishers, na tatarget ng western men sa online dating apps at hihikayatin silang maglagak ng puhunan sa pekeng cryptocurrency accounts.

AUTHOR PROFILE