Default Thumbnail

2 nagnenok ng alak huli

July 17, 2023 Melnie Ragasa-limena 291 views

NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang dalawang lalaki matapos itakbo umano ang mamahaling alak sa isang bar sa Quezon City matapos magpanggap na kustomer.

Kinilala ni Police Lt. Col. Robert Amoranto, station commander ng Kamuning Police Station (PS 10), ang mga suspek na sina Kim Louise Descuatan, 31, at Rey Serrano, 50.

Ayon sa report, nangyari ang insidente alas bandang alas-11:00 ng umaga noong Hulyo 15, 2023 nang nagpanggap na kustomer ng Pointpoint Resto Bar sa Scout Torillo, Brgy. South Triangle, Quezon City ang dalawang suspek kasama ang isa pa na nakilala lamang sa pangalang “Bogs.”

Hindi pa umano bukas ang nasabing bar ngunit pinayagan silang pumasok ng security guard na naka-duty.

Pagpasok sa loob ng bar, palihim na kinuha ng mga suspek ang isang bote ng Hennessy VSOP Cognac na nagkakahalaga ng P7,000. Naka display sa rack ang naturang alak, ayon sa report.

Nakita umano ng security guard ang pagnanakaw kaya agad na hinabol ang mga suspek.

Agad na humingi ng tulong ang security guard sa nagpapatrulyang operatiba ng Kamuning police station na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.