Indian BUKING–Natimbog ang dalawang Indian matapos na magsumbong ang biktima na kababayan din ng mga suspek na tinutukan siya ng baril at tinakot ng mga suspek. Narekober sa kanya ang ginamit na baril at ang motorskilo ng mga bombay. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 Indian nat’ls nanutok ng boga sa Port Area, timbog

February 16, 2024 Jonjon Reyes 263 views

TIKLO sa mga miyembro ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang dalawang Indian nationals sa panunutok ng baril sa 2nd St., Baseco Compound sa Brgy. 649, Port Area, Manila.

Agad na natimbog ang dalawang suspek na sina alyas Jimmy Singh, na armado ng baril, at ang kasamang si alyas Alex Singh, 22, ng Parañaque City

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel ” Mike’ Gomez, station commander ng MPD-Baseco Police Station 13, bandang alas-8:05 ng umaga noong Huwebes nang masabat ang dalawa sa naturang lugar

Ayon sa biktima, sakay ng motorsiklo ang dalawa nang tutukan siya ng baril ni Jimmy at tsaka mabllis na tumakas.

Nagsagawa ang mga pulis ng operasyon na nagresulta sa pagkaka-aresto sa 2 bombay.

Narekober ang ginamit na baril habang papatakas sa sana ang dalawa sa nabangit na lugar nang matiklo.

AUTHOR PROFILE