2 fighter jets ng Japan lumapag sa Pilipinas

December 7, 2022 Zaida I. Delos Reyes 86 views

SA unang pagkakataon matapos ang World War II, dalawang fighter jets ng Japan ang lumapag sa Pilipinas nitong Martes, bilang bahagi ng pagsasanay at pagpapalitan ng kaalaman sa pagitan ng Japan’s Air Self-Defense Force (JASDF) at Philippine Air Force (PAF).

Ang dalawang F-15 fighter jets ay lumapag sa Clark Air Base kung saan ang 60 miyembro ng JASDF ay kalahok sa pagsasanay mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 11.

Layunin nito ang isulong ang mutual understanding at defense cooperation sa pagitan ng PAF at JASDF.

Isang simpleng seremonya ang isinagawa sa Clark Air. Base sa Mabalacat Pampanga bilang pagtanggap sa pagbisita ng dalawang fighter jets.

Ang seremonya ay nilahukan nina Lt. Col. Shotaro Arisawa, squadron commanding officer ng JASDF af Col. Leo Fontanilla, commander ng PAF.

Kaugnay nito, tiniyak ni Fontanilla na ipagpapatuloy ng PAF ang pakikipagpalitan ng kaalaman sa JASDF upang lalo pang palakasin ang pagkakaisa at puwersa ng bawat bansa para mapanatili ang kapayapaan ag katatagan ng rehiyon.

Matatandaang nitong nakalipas na araw ay sinimulan na ng PAF af JASDF ang pagsasanay at pagpapalitan ng kaalaman upang palakasin pa ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang pakikipag-ugnayam sa JASDF ay bahagi ng kanilang tinatawag na “Fighters’ Goodwill Visit to the Philippines.”

Nauna rito, sabay na bumisita sina Maj. Gen. Matsuzaki Yuki, Commander ng Southwestern Air Control and Warning Wing, JASDF, at Maj. Gen. Takahashi Hideo, Vice Commander ng Western Air Defense Force, JASDF sa mga commander ng major units sa Clark Air Bse na kinabibilangan nina Brig. Gen. Teofilo R. Bailon Jr. PAF, Commander, Air Logistics Command; Maj. Gen. Ramon Guiang PAF, Commander, Air Force Reserve Command; at Brig. Gen. Rocky J. Binag, PAF, Wing Commander, Tactical Operations Wing Northern Luzon.

Ayon kay Castillo, matapos ang courtesy call ay binisita ng mga opisyal ang nagaganap na unit-to-unit activities sa nasabing lugar.