Default Thumbnail

2 CTG sumurender sa Antipolo

March 13, 2024 Jojo C. Magsombol 90 views

DALAWANG miyembro ng Citizens Terrorist Group mula (CTG) Rural Operational Area ang sumurender sa 404th A MC, RMFB4A, Sitio Cabading, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal, noong Lunes.

Ang dalawa ay nakilalang sina alyas Bagsik/Amihan at alas Jerald.

Isinuko ng dalawa ang isang kal. 38 revolver na walang serial number at hand grenade sa ginawang joint operation ng 404th A Maneuver Company, RMFB4A (Lead Unit), 22 SAC 2SAB PNP SAF, 23rd SAC 2SAB PNP SAF, NISG-NCR, RID 4A, RIU4A PIT-Rizal, RPMFC Rizal PPO, PIU Rizal Station, Intelligence of Pasig City Police Station, CIDG-Rizal, DID-QCPD, DMFB-NPD, CID IG, 80IB at 1IB ng 202Bde, 2ID, at JITU-SIERRA MADRE ala-1:00 ng hapon ng Marso 11, 2024.

Nakatanggap ang mga nasabing personalidad ng paunang cash assistance na P3,000; dalawang sakong 25 kilo na bigas at mga groseriya na nagkakahalaga ng P5,000 sa kagandahang-loob ng 404TH A MC RMFB4A at Sinag Elite Lady Eagles Club.

AUTHOR PROFILE