Default Thumbnail

2 carnap suspek timbog sa Oplan Sita

June 1, 2022 Jonjon Reyes 338 views

DALAWANG lalaki na timbog sa Oplan Sit mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ay napag-alamang sangkot umano sa carnapping.

Nahaharap sa mga kaso ang mga suspek na nakilalang sina Marly Gomez, 19, binata, mekaniko, at Jerome Manapat, 22, kapuwa nakatira sa S. Pascual Street, Brgy. San Agustin, Malabon City.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col.John Guiagui, MPD- Station 3 commander, nasita ang dalawa sa panulukan ng F. Yuseco at Oroquieta Streets sakop ng Barangay 346 bandang 11:30 p.m. habang lulan ng motorsiklong walang plaka.

Isa sa suspek ang nakitaan ng kalibre .38 baril na walang serial number at walang bala. Gayunman,kinumpiska ng mga awtoridad ang minamanehong Mio Soul type scooter na kulay itim.

Sa ikinasang ‘case build-up’ ng MPD, nadiskubre na sangkot ang dalawa sa serye ng ‘motornapping’ sa Maynila. Sila ang itinuturong suspek sa pagnanakaw ng apat na motorsiklo nitong buwan lamang ng Mayo.

Kabilang sa natangsy umano ay isang Yamaha Mio Soul nitong Mayo 6, isang Suzuki motorcycle nitong Mayo 13, isang Yamaha Sporty nitong Mayo 18 at Yamaha Mio Soul nitong Mayo 18 rin.

Ikinukunsidera naman ng MPD-Anti Carnapping Unti na ‘case solved’ na ang naturang mga kaso.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Article 151 ng Revise Penal Code (disobedience), RA 10591 (illegal possession of firearms), RA 7166 (gun ban), RA 4136 (driving without license) at carnappjng sa Manila City Prosecutors Office.

AUTHOR PROFILE