Default Thumbnail

16-Anyos todas sa saksak

February 13, 2022 Jonjon Reyes 326 views

AWAY ng magkabilang grupo ang isa sa dahilan nang pananaksak sa isang 16-anyos na binatilyo Sabado ng gabi sa Favia St.,Tondo,Manila.

Nasawi habang inooperahan sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Raymond Romasanta, estudyante, ng 523 Pilapil St, Tondo dahil sa tinamo nitong saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ni PLt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente bandang 7:35 p.m.

Sa imbestigasyon ng pulisya , kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang dumating ang dalawang suspek na may mga kasama ring kabataan at kinumpronta nito ang biktima.

Dito na umano nagkasagutan ang magkabilang panig hanggang sa saksakin ang biktima. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE