Default Thumbnail

13 lalaki nasilo sa droga, pusoy, tong-its sa NE

June 13, 2024 Steve A. Gosuico 101 views

CABANATUAN CITY–Nasakote sa Nueva Ecija ang 13 lalaki na naglalaro ng pusoy at apat dito ang lumala ang kaso nang mahulihan ng shabu noong Miyerkules.

Apat sa 13 suspek nahuli habang nagpu-pusoy sa Brgy. Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija dakong alas-10:45 ng umaga.

Nasamsam ng mga pulis sa kanila ang humigit-kumulang P1,420 na bet money at isang deck ng baraha.

Nahulihan ng 1.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P8,160 ang apat, ayon sa mga pulis.

Dinala ang apat sa himpilan ng pulisya upang sumailalim sa booking procedures at sasampahan ng mga kasong kriminal.

Inaresto naman ng Zaragosa police ang tatlo pang naglalaro din ng pusoy sa Brgy. Sto. Rosario Young dakong alas-5:30 ng hapon.

Sa Sta. Rosa, sinabi ng mga pulis na anim na lalaki na naglalaro ng tong-its ang nahuli sa Brgy. La Fuente alas-5:20 ng hapon.

AUTHOR PROFILE