Zoren Legaspi & Carmina Villaroel Carmina Villaroel/IG

Zoren: Mister nambababae pag nagbago na anyo ni misis

January 13, 2024 People's Tonight 177 views

KUMAKALAT ngayon sa social media ang video ng interbyu ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at asawa nitong si Carmina Villaroel sa show ni Kris Aquino noon na “Kris TV.”

Sa interbyu, sinabi umano ni Zoren kay Carmina na iiwanan niya umano ito kapag tataba siya.

“Iiwanan kita kapag tumaba ka. Ay sobra ka naman,” kwento ni Carmina kay Kris.

“Meron bang requirement na dapat ganito lang ang size?” agad na tanong naman ni Kris.

Sagot naman ng actor, na kaya umano nambabae ang mga lalaki dahil nawawala umano ang love nito sa isang babae kapag nagbago ang physical appearance.

Galit naman na hirit ni Carmina na hindi umano ‘yun ang basehan para iwan ng lalaki ang kanyang partner.

“Hindi ‘yon excuse tatay. Hindi ‘yon reason that because na tataba ka iiwan na kita,” diin ng aktres.

Medyo mainit ang naging talakan ng dalawa kaya inulan ng batikos mula sa netizens ang nasabing video. Sinabi rin nila na hindi umano nakikita ng aktor ang mga karanasan ng isang babae kapag nabuntis.

AUTHOR PROFILE