Pauleen Luna Sotto Pauleen Luna Sotto/IG

Pauleen napagkamalang nanganak na

January 13, 2024 People's Tonight 121 views

IBINAHAGI ngayon ng aktres-host na Pauleen Luna Sotto ang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang kanilang unang anak ni Bossing Vic Sotto na si Talitha Maria o “Tali.”

Sa kanyang IG post, Sabado, Enero 13, ibinahagi ni Pauleen ang kanyang 3 days old sweet and adorable baby girl na si Talitha Maria.

“TALITHA MARIA at 3 days old,” caption ni Pauleen kalakip ang isang video na hawak-hawak at pinapainom niya ng gatas si Talitha.

Ibinalik lamang ni Pauleen ang video dahil hindi niya akalaing ilang araw na lang ay maging “big sister” na si Tali.

“I can’t believe that in a few days, I will be holding our new baby girl in my arms. Thank you dear God for blessing us with another miracle…. You have been so gracious to us. Walang katapusang pasasalamat sa iyo,” anang ng aktres.

“And to my dear baby Ate Tali, I know you have been praying for a baby sister, this is it! I know in my heart you will be a loving ate to her. My prayer is that you’ll both grow knowing that you’ll always have each other’s back. What an incredible gift it is to have a sister in this world! I am so excited for you!” mensahe pa niya kay Tali.

Naloka naman ang netizens at celebs dahil akala nito na ito na ang pangalawang anak ng aktres at ng aktor.

“Eh ‘yung akala ko nanganak ka na,” gulat na komento ni Ryan Agoncillo.

“Ano ba I thought ayan na,” dagdag na sey naman ng proud mom na si Isabelle Daza.

“Hello you know naman when,” reply naman ni Pauleen sa comment ni Isabelle.

AUTHOR PROFILE