Borbe Kinakausap ni P/Lt. Col. Rodel Borbe ang tinaguriang ‘no.1 MWP (most wanted person)’ sa Zamboanga Sibugay na suspek sa rape matapos na maaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Warrant Section sa Baseco Comp., Port Area Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Zambo Sibugay MWP sa ‘rape’ tiklo sa Baseco

August 26, 2022 Jonjon Reyes 1061 views

MATAPOS ang pitong taon pagtatago sa batas ng isang 36-anyos na lalaki at nakalista bilang numero unong “most wanted person” (MWP) sa Zamboanga Sibugay dahil sa kasong panggagahasa ay nahulog ito sa kamay ng mga operatiba sa kanyang tahanan sa Baseco Compound, Port Area, Maynila nitong Agosto 25, 2022.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon, ang suspek ay natunton sa kanyang tirahan sa Block 7 Old Site, Baseco Compound.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Bilan Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13, ilang linggo na nila itong sinusubaybayan bago pa man magbukas ang mga klase at masundan ang kinakasama ng suspek ang kanyang pinagtataguan dahil umano sa palipat-lipat ito ng lugar mula sa Visayas at Mindanao.

Napag-alaman din nila na sumasama pa itong mangisda para lamang takasan ang batas sa ginawa nito sa kanyang lalawigan.

Pasado alas 9:00 ng gabi ng ikasa ang operation para maaresto ang suspek at nabulaga ito ng pasukin ang bahay at isilbi ang kanyang arrest warrant.

Hindi naman na nakapalag ang suspek nang ipakita ang warrant of arrest nito na inisyu ni Presiding Judge Anthony D.T Isaw ng 9th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 24 sa Ipil, Zamboanga Sibugay dahil sa mga kinakaharap nitong “Crime of Rape by Sexual Assault” na may inirekomendang P120,000 piyansa; “Crime of Rape by Sexual Intercourse”; at Child Sexual Abuse parehong walang piyansa na may petsang Nobyembre 29, 2019.

Pinuri naman ng MPD Director ang grupo ni Borbe dahil sa mabilisang aksyon sa pagkakahuli sa MWP.

AUTHOR PROFILE