Mortar SASABOG?–Sinusukat ng mga operatiba ng District Explosive Canine Unit ( DECU) ng Manila Police District ang nahukay na bala ng 81mm mortar sa isang commercial building sa Malate, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

WW2 bomb nahukay sa Malate

August 25, 2023 Jonjon Reyes 213 views

ISANG bala ng 81-MM mortar na gamit noong 2nd World War ang nahukay ng mga construction worker sa isang commercial building sa Remedios St., Malate, Maynila Huwebes ng hapon.

Agad namang kinordon ng mga tauhan ng Manila Police District- Ermita Police Station 5 at saka inutos ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, na ipagbigay alam sa District Explosive Canine Unit (DECU) ng Manila Police District ang bomba.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga tauhan ng DECU at agad na sinuri ang bomba sa pangunguna ni Police Lieutenant Leo Limbaga.

Ayon kay Police Master Sergeant Emiliano Boño, ng Station 5, bandang 2:42 ng hapon nang magresponde sila sa isang digging operation sa 12 palapag na building sa nasabing lugar.

AUTHOR PROFILE