DICT

Releasing ng physical nat’l ID gumugulong pa rin — DICT

August 25, 2023 People's Tonight 218 views

AYON sa Department of Information and Communications Technology (DICT), patuloy pa rin ang pamamahagi ng pisikal na kopya ng national identification (ID)

Ayon kay DICT Undersecretary for special concerns Paul Joseph Mercado, pangunahing prayoridad ngayon ang pagpapalabas ng digital ID.

Paliwanag ni Mercado, napagdesisyunan nila kamakailan na magkaroon ng pagbabago at inobasyon para magkaroon ng digital form para sa National ID.

Dagdag pa niya, hindi naman matitigil ang paglalabas ng mga physical ID ngunit mas prayoridad nila na mauna ang digital ID.

Inirekomenda ni Mercado sa publiko na i-download ang e-gov ph super app sa kanilang mobile phone upang makakuha ng ID.

AUTHOR PROFILE