Default Thumbnail

Walang gisingan!

May 17, 2023 Jonjon Reyes 205 views

Kelot pinatulog forever ng bala

TULUYAN nang hindi nagising ang isang 36-anyos na lalaki nang barilin ito habang natutulog ng mahimbing Miyerkules ng madaling araw sa tabi ng ilog sa Arroceros Street, Ermita, Manila, Miyerkules ng madaling araw.

Ang binoga ay nakilalang si William Lyod Fernandez, ng Riverside ll, Barangay 159- A , Ermita.Manila

Nakatakas ang gunman gamit ang isang Yamaha Mio Sporty. Ito ay nakilala lamang alyas Adel.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, bandang 4:10 a.m. nang maganap ang krimen.

Agad kinordon ang lugar, bago pa man impormahan ang tanggapan ng Homicide Section. Mabilis na inutos ni Police Captain Dennis Turla sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon.

Kasabay nito naroon din ang mga operatiba ng Forensic Unit ng MPD para magsagawa ng pagsisiyasat sa nabangit na lugar.

Ayon sa nakasaksi sa krimen na isang Rose,17, na umanoy ka-live in ni Fernandez, nakarinig siya ng isang malakas na putok at nakita niya ang papatakas na suspek.

AUTHOR PROFILE