Bigti

‘Wag n’yo akong iburol, sunugin n’yo ako agad!’

May 3, 2023 Jonjon Reyes 810 views

ISANG 27-anyos na binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng comfort room na nasa rooftop ng isang simbahan sa Malate, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Ang biktima ay pawang residente ng San Andres Bukid, Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Kelvin Suñiga kay P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 6:15 ng umaga (Mayo 3), nang madiskubre ng isang lalaki ang nakabiting biktima gamit ang wire ng mikropono sa loob ng banyo sa isang simbahan sa Malate.

Sa “suicide note” diumano na natagpuan sa tabi ng bangkay ay nakasulat umano ang “‘Wag n’yo akong iburol, sunugin n’yo ako kaagad.”

Kasalukuyan namang nakalagak sa Body and Light Funeral ang bangkay ng biktima para sa kaukulang awtopsiya at patuloy na imbestigasyon sa insidente.

AUTHOR PROFILE