Vilma

Vilma sobrang nasabik sa pagbabalik, inihayag ang mga project

March 2, 2023 Aster Amoyo 524 views

Vilma2Vilma1HALATANG sabik ang Star for All Seasons, award-winning actress-host, dating politician at vlogger na si Vilma Santos-Recto na makitang muli ang kanyang mga kaibigan sa entertainment media at her launch as the new face and brand ambassador ng kilalang motorcycle taxi app, ang Angkas na ginanap kamakailan lamang sa Society Lounge ng Atrium Building in Makati City.

She was glad to see in person her old-time press friends na matagal niyang hindi nakita dahil sa pandemic.

But the invited media people were also all as excited to see her na kahit nalalayuan ang iba sa venue ay nagsipuntapa rin just to see her.

An endearing person as she is since she entered showbiz when she was nine years old and now celebrating her 60th anniversary in the business which she first embraced bago niya pinasok ang public service (which she served relentlessly for over two decades), Vi is returning to her first love – showbiz after 24 years. Kaya naman ngayon pa lamang ay nagbubunyi ang kanyang loyal fans and her millennial supporters (dahil sa kanyang pagiging vlogger).

Bukod sa kanyang sunud-sunod na product and service endorsements tulad ng Angkas motorcycle taxi, tatlong magkakasunod na pelikula ang sunud-sunod na kanyang gagawin at kasama na rito ang reunion movie nila ng drama king na si Christopher de Leon na nakapareha niya in 24 hit films Katunayan, ang team-up nina Vi at Boyet ang maituturing na most enduring loveteam of all time na kahit wala silang naging romantic relationship ay tanggap ng manonood.

Excited din si Vi sa gagawin niyang movie under Reality Studios ng mag-business partners na Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

Aminado si Vi na sobra umano niyang na-miss ang showbiz.

“Malaki ang utang na loob ko sa showbiz dahil dito ako unang nakilala,” pag-amin niya.

“Kung hindi ako nakilala sa industriyang ito, baka hindi ako naging isang public servant,” aniya.

“But of course, ‘yung succeeding years, performance ko na as a public servant ang nagpapanalo sa akin,” dugtong pa niya.

Vi was only nine years old nang siya’y magsimula sa showbiz sa pamamagitan ng pelikulang “Trudis Liit” under Sampaguita Pictures. There were hundreds of kids ang nag-audition for the title role pero nang makita siya ng yumaong film producer na si Dr. Jose Perez ay pina-pull-out siya sa pila. She was asked to cry at nagawa niya convincingly kaya presto, the role of “Trudis Liit” was given to her.

Bihira ang katulad ni Vi na tumagal sa industriya ng anim na dekada and more and still at the top of her game and never played a supporting role.

Si Vi ay huling napanood sa pelikulang “Everything About Her” in January 2016 na dinirek ni Joyce Bernal under Star Cinema kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

Bukod sa pagiging Stars of All Seasons, ilang beses na rin siyang naging Grand Slam Queen at hindi na rin halos mabilang ang kanyang Best Actress trophies mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Nai-excite pa ba siyang tumanggap ng parangal?

“Oo naman,” diin niya. “Bawat award na natanggap o natatanggap ko is very special to me.”

Samantala, hindi natutumbasan ng anumang halaga ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon bilang isang grandmother.

Kahit na nangangako siya na hindi umano niya i-spoil ang kanyang kauna-unahang apo sa kanyang panganay na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola, mukhang sinasabi lamang niya ito dahil ngayon pa lamang ay marami na siyang planong gawin para kay Baby Peanut or Isabelle Rose.

“Kapag hindi naibigay sa `yo ng parents mo ang gusto mo, ako ang magbibigay sa `yo,” natatawang pahayag ni Vi sa kanyang apo who is only more than two months old.

“Excited na akong makalaro siya when she’s about one year old na,” pahayag ni Vi na ayaw magpatawag ng lola sa kanyang apo kundi Momshie Vi.

Shayne dumating na ang panahon

ShayneShayne1TWENTY-year-old Kapuso young actress Shayne Sava is being launched by GMA sa pinakabagong afternoon TV series ng GMA, ang “AraBella” which she co stars with co-Kapuso young talent, Althea Ablan together with Abdul Raman, Saviour Ramos, Alfred Vargas, Wendel Ramos, Nova Villa, Ronnie Lazaro at actress-TV host na si Camille Prats in her acting comeback mula sa pamamahala ni Adolf Alix, Jr. Ang nasabing serye ay mapapanood simula sa darating na Lunes, March 6 at 3:20 p.m. sa Kapuso network afternoon primetime block.

Nagpapasalamat ang young star na nabigyan din siya ng launching series ng GMA matapos siyang maging bahagi (in a support role) ng ilang serye tulad ng drama anthology na “Maynila: Love or Money,” “Legal Wives” at “Raising Mamay”.

Si Shayne ang tinanghal na Ultimate Female Survivor (grand winner) sa 7th season ng talent reality search ng GMA, ang “Starstruck” habang si Kim de Leon naman ang kanyang male counterpart.

She’s the eldest of three siblings. Nang sila’y wan ng kanilang ama, si Shayne ang tumayong breadwinner ng pamilya. She got reunited with her father nang siya’y sumali sa Starstruck: Season 7.

Maraming challenges ang pinagdaanan sa buhay ni Shayne bago niya narating ang kanyang estado ngayon and she’s thankful, una sa Diyos, sa kanyang pamilya, sa GMA at fans na siyang sumusuporta at tumatangkilik sa mga programang kanyang tinatampukan.

“Wala naman po ako rito kung hindi dahil sa kanilang lahat,” pahayag pa ng young Kapuso actress.

Kinu-consider din ni Shayne na malaking karangalan ang makatrabaho ang bumubuo ng cast ng “AraBella” at ang buong production team na pinamumunuan ni Direk Adolf.

“Maraming salamat sa kanilang tiwala,” aniya.

Shayne plays the role of Ara in “AraBella” na inaapi ang character. At hindi niya ikinakaila na sobrang challenging ang kanyang bagong papel dahil talagang nasasaktan siya sa mga eksena. Pero okey lamang ito sa kanya dahil gusto niyang maging realistic ang eksena at acting na kanyang ipinakikita.

“I’m so blessed na pawang veteran actors ang katrabaho namin ni Althea in “AraBella”, payahag pa niya.

“Tita Nova (Villa) has full of wisdom. Madalas niyang i-share sa amin ang kanyang experiences in showbiz,” kuwento pa ni Shayne.

“Nakaka-inspire na katrabaho ang mga veteran actor kasi marami kaming natututunan sa kanila,” pagbabahagi pa niya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE