Belo

Vicki Belo, impressed sa garden wedding nina Lovi at Monty

August 26, 2023 Vinia Vivar 286 views

As we write, ilang oras na lang at ikakasal na sina Lovi Poe at Monty Blencowe sa Cliveden House in England.

Sa England time ay 3:30 p.m. ang kasal ngayong araw, August 26, at sa Philippine time naman ay 10:30 p.m., same day.

Sa Instagram Story ni Dra. Vicki Belo ay makikitang naroroon na siya sa sosyal na venue kasama ang mister na si Hayden Kho. Kabilang ang mag-asawa sa invited guests ng bride and groom.

Sunud-sunod ang post ng celebrity doctor at manghang-mangha siya sa kagandahan ng Cliveden House.

“What a perfect place,” sey ni Dra. Vicki sa video kung saan ay makikitang papalapit na ang sasakyan nila sa venue.

Sa isang video naman ay makikitang naglalakad si Dra. Vicki sa napakalawak na field of green grass sa venue. She wrote, “I wouldn’t mind working a hundred miles here.”

May video rin na magka-holding hands silang naglalakad ni Hayden sa field at nakaka-in love naman talaga ang ganda ng lugar.

In one photo ay kasama na nila ni Hayden sina Lovi at Monty. She wrote, “what a beautiful place to celebrate @lovipoe & @montyblencowe.”

In one video naman ay sinabi niya na matagal na niyang alam ang kasal at talagang nanahimik siya about it.

“Finally, I can announce. It’s been something I’ve been excited about for months. But in respect to the groom and the bride who really wanted to keep it a little quiet, we never said anything. So, I don’t even know who’s invited to this wedding kasi dito lang kami magkikita-kita,” sey ng beauty doctor.

May photo rin siya with the bride’s mom, ang dating aktres na si Rowena Moran.

Sa isang video, ipinakita ni Dra. Vicki kung saang part gaganapin ang wedding na isang malawak at napakagandang garden.

Sinabi rin niyang ang swerte ng bride and groom dahil ang ganda ng weather doon ngayon.

“The wedding is going to be later right down there. So, Lovi and Monty are so lucky because it’s been cloudy and rainy, and today, it’s super, super sunny,” sey ni Dra. Vicki.

AUTHOR PROFILE