Default Thumbnail

Turismo isulong

October 19, 2022 Erwin Tulfo 373 views

TulfoNAMUMUTAKTAK sa yamang kalikasan ang Pilipinas gayundin sa kultura na hinubog ng maraming impluwensya ng iba’t-ibang lahi kaya naman ang industriya ng turismo naparaming mga atraksyon para sa mga bumibisita sa bansa.

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na makakatulong ng malaki ang turismo sa pagbangon ng ekonomya mula sa krisis ng COVID-19.

Kinakatigan ko ang pananaw ni PBBM at Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na ang domestic at international tourism ay magdudulot ng maraming oportunidad at kabuhayan sa travel and tour businesses na nasalanta ng paghihigpit noong pandemya.

At sa muling pagbubukas ng turismo, nag-aanyaya ang Pilipinas sa buong mundo na bumisita sa ating kapuluan.

Ang Boracay, Palawan and Cebu islands ay kalimitan nang kinilala bilang mga top world “sun and beach” destinations.

Libu-libu na ang nagtutungo sa white-sands at clear waters ng Boracay, salamat sa milyun-milyong pisong ginastos ng gobyerno para linisin ang mga dumi galing sa mga hotel doon.

Ang nakamamanghang kagandahan ng Palawan islands tulad ng El Nido at Coron islands ay dinarayo na ng maraming local at foreign visitors na kayang gumastos sa island-hopping at accommodations.

Ang Calauit island Safari Tour ay marami na rin ang nahihikayat kahit mataas ang singil sa transport services sa Busuanga, Palawan.

Ang Cebu Province ay naparaming atraksyon kabilang ang mga five-star beach resorts, diving and water sports, at Butanding o whale-shark watching. Sa Cebu City din ginaganap ang spectacular Sinulog at iba pang traditional festivities.

Ang Camiguin, Bohol, Siargao islands ay hindi pahuhuli sa world-class sites for water sports, diving, underwater photography, and eco-park adventures.

Walang dahilan para maging kulelat ang Pilipinas sa industriya ng turismo kung saan nangunguna ang Thailand, Malaysia, Singapore at Vietnam sa Asya.

Tama ang sinabi ni PBBM na dapat maging more accessible ang ating tourists destinations sa pamamagitan ng pagsasaayos ng “gateways” sa pagdating international visitors.

Hindi na dapat sa NAIA, Clark or Cebu dumaraan ang mga papuntang Boracay at Palawan bagkus diretso na roon galing ng South Korea o China.

Ang mga maliit na airports at dapat ma-upgraded sa world standards para sa direct flights para sa “connectivity” sa tourist destinations.

Sa aking palagay, dapat ding tutukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-regulate sa rates or costs of accommodations, food catering and transport services sa tourist destinations.

Nauunawaan ko na maraming nalugi at nagsara nang tuluyan noong pandemya ngunit maghunus-dili dapat tayo sa pagtaas ng mga singilin sa tourist services.

Tandaan lagi natin ang Filipino hospitality at, ayon nga kay Secretary Frasco, ang Philippine experience ng tourista ay dapat maging isang “discovery of the Filipino people’s diverse and proud heritage.”

Atin din pinapanalangin na mapanatili ang tourist sites sa pamamagitan ng environmental protection, conservation and preservation para sa mga darating na henerasyon.

AUTHOR PROFILE