Isko Alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Francisco ‘Isko” Moreno Domagoso na bawal ang kriminal sa Maynila, ipinag-utos ni MPD Director PBGen. Leo M. Francisco na hulihin at panagutin sa batas ang lahat ng kriminal sa Maynila. Kaugnay nito, ang top most wanted person sa station level ay naaresto sa kasong rape. Ang suspek sinadya pa ng mga operatiba ng MPD sa Nueva Vizcaya para arestuhin at panagutin sa batas. Kuha ni JON-JIN C. REYES

Top 1 MWP arestado ng MPD

August 29, 2021 Francis Naguit 461 views

ALINSUNOD sa direktiba ni MPD Director Police Brig.General Leo Francisco, isang Top 1 most wanted person sa station level ang naaresto sa kasong rape ng mga operatiba ng MPD sa Nueva Vizcaya.

Ito ay matapos ipag-utos at atasan ni Manila Mayor Isko Moreno si Gen.Francisco na tugisin ang lahat ng wanted sa Maynila na nagtatago sa batas.

Kinilala ang arestadong suspek na si Jerome Saagundo, 27 , binata, pedicab driver at residente ng 757 Ricafort St. Brgy. 56, Tondo, Maynila.

Ayon sa iimpornasyon ni MPD PIO Chief Capt.Philipp Ines, isinilbi sa akusado ang kanyang warrant of arrest ng Warrant Section/ Intelligence Section ng MPD Moriones Police Station (PS- 2) sa loob ng Mhie Mhies Eatery na matatagpuan sa Maharlika Hi-Way Barangay Poblacion, Bayumbong Nueva Vizcaya.

Agad kumilos ang mga operatiba sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Magnon Lanunos Gallora Jr.,commander ng MPD Stn.2, matapos makatanggap ng impornasyon sa kinaroroonan ng akusado.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Lorenzo Relova Dela Rosa ng Manila RTC Branch 4, hindi na nag-atubili pang arestuhin si Saagundo.

Sa kautusan ng korte, ang suspek ay pinapayagang makapaglagak ng P20,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyan naman itong nakakulong sa detention cell ng nasabing police station habang hinihintay ang pagbalik ng kanyang warrant of arrest at paglabas ng kanyang Commitment Order. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE