Default Thumbnail

Tatanda din kayo!

August 29, 2021 Jun I. Legaspi 423 views

Senior citizens sa mga di nagbibigay ng 20% discount

TATANDA rin kayo! Ito ang mensahe ng ilang grupo ng senior citizens na nagsasamantala sa kanila sabay panawagan kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na paigtingin pa nito ang kampanya sa mga establishments na nagbabalewala sa 20% discount privilege para sa kanila at mga persons with disability (PWD).

Ayon sa mga senior citizens na nagrereklamo, hindi pinapansin ng mga tiwaling establishments ang mga Identification Card (ID) na iniisyu ng Quezon City government kahit ito ay pirmado pa ni Mayor Belmote at ni Office of Senior Citizen Affair (OSCA) head Atty. Bayani Hipol.

Ayon pa sa mga biktimang senior citizens, katwiran ng mga tiwaling establishments na “consignment” ang kanilang mga paninda kaya hindi sila nagbibigay ng discount sa SC at PWD.

Yung iba naman, basta utos daw ng kanilang amo na wala silang ibibigay na discount sa mga senior citizen at PWD.

Ayon sa isinasaad ng Batas, Republic Act 9994, libre ang lahat ng SC sa medical, dental, diagnostic at laboratory service sa lahat ng government facilities.

Isinasaad din sa batas na ang mga SC at PWD ay entitled sa 20% discount sa medicines, hotels, restaurants,recreation centers, medical/dental services, diagnostic at laboratory kahit pa eto ay mga private facilities.

Entitled din sa 20 perceng discount ang mga senior citizens at PWDs sa fare, domestic, air, sea, travel at mga public land transportation.

Entitled din ang mga senior citizens sa 5% discount sa mga basic necessities at prime commodities. Exempted din sa 12% Valued Added Tax (VAT) at 5% discount din sa monthly utilization sa tubid at kuryente kung ito ay nakapangalan sa SC.

Panawagan ng mga SC, una ito ay batas na dapat sundin, pangalawa napakalaking tulong sa mga SC at PWD lalo na dun sa mga wala ng pinagkakakitaan ng regular at umaasa lamang sa maliit na pension.

AUTHOR PROFILE