TLFDA4 Nagsagawa ng pagtuturo ang Taiwan Leisure Farms Development Association (TLFDA) kaugnay sa kaalaman at pagtataguyod ang Taiwan Agritourism Miyerkules sa Armada Hotel sa Malate, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

TLFDA itinataguyod Taiwan Agritourism

April 10, 2024 Edd Reyes 443 views

TLFDATLFDA1TLFDA2TLFDA3SINIMULAN ng Taiwan Leisure Farms Development Association (TLFDA) ang isa sa dalawang araw nilang pagtataguyod sa kanilang Taiwan Agritourism Miyerkules ng umaga sa Armada Hotel Malate, Manila.

Layunin ng dalawang araw na komperensiya na ipamalas ang pagyakap sa mga gawaing agrikultura tulad ng pagtatanim at pangingisda kasabay ng pagtataguyod ng turismo sa mga kanayunan sa kanilang bansa na tulad sa Pilipinas ay dumaranas na rin ng problema sa kawalan ng interes ng mga kabataan sa pagsasaka at pangingisda.

Sa halos 200 miyembro ng asosasyon, lima sa mga kinatawan ng malalaking leisure farm ang nagtungo sa Pilipinas upang lumahok sa dalawang araw na komperensiya na ang isa ay idaraos SM City Clark sa Clark Freeport Zone sa Malabacat, Pampangan Huwebes ng umaga upang itaguyod ang kani-kanilang leisure farm.

Kabilang sa mga ito ang Sheipa Leisure Farm, Flying Cow Ranch, Polo Holidays, Lavender Cottage, at Toucheng Leisure Farm na isa-isang naglahad ng mga hindi malilimutang atraksiyon at karanasan ng sinumang magtutungo sa kanilang farm.

May kanya-kanyang pagtatanghal ang bawa’t isang leisure farm na ang pinakabuod ay mga hindi malilimutang mga masasayang karanasan saan man sa apat na panahon ng tag-araw, (summer) tag-lagas, (autumn) tag-sibol (spring) at tag-lamig (winter) sa kanilang pagtungo sa kanilang bansa.

Kabilang na rito ang sariling pangingisda at pagkuha ng iba’t-ibang uri ng shellfish na kanilang ipaluluto sa pagkain, pamimitas ng mga bunga ng iba’t-ibang prutas na kanilang nais kainin, pamamasyal sa kagubatan at mga taniman ng iba’t-ibang mga magagandang bulaklak, at iba pang mga atraksiyon.

May mga iniaalok ding paketeng pang-turista ang bawa’t leisure farm, hindi lamang sa buong pamilya kundi higit sa mga estudyante o ang kanilang student package tour.

AUTHOR PROFILE