Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 16, 2023 People's Tonight 309 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4Tiktok5JUST living a bikini kind of life” ang sey ng TikTok star na si Jamaica. Sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan ay talaga namang tinitingala siya ng netizens sa nasabing social media platform.

Si Jamaica Francia Acuña o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Jam” o “Jami” ay isang 22-anyos TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 1.4 million followers at 5.2 million likes sa kanyang account na may username na @_jamiyami. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @itsmejammmie, na mayroon nang halos 64 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong 26 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, pagiging fashionista, POV contents, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa pagbe-beach at travel, isa ring businesswoman si Jamaica.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Jamaica sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE