Default Thumbnail

The music that binds Glaiza, Rhian, Arci, Rayver and Matt

March 13, 2025 Aster Amoyo 362 views

Rayver1Rayver2NAGING emotional ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro (37) during the presscon ng kanyang upcoming musical-drama movie na “Sinagtala” under Sinagtala Productions na pinamahalaan ni Mike Sandejas na tinatampukan din nina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano at Arci Munoz.

Hindi ikinakaila ni Glaiza na malaki umano ang papel ng musika sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang pamilya who are all musically-inclined.

Kahit sa kanilang lahat nina Rhian, Rayver, Matt at Arci ay pare-parehong espesyal ang musika kaya agad umano silang naka-relate sa character na kanilang ginampanan sa pelikula.

“Sinagtala” is the name of the band kung saan kabilang ang magkakahiwalay na characters ng apat na dumaan sa iba’t ibang pagsubok.

In real life ay pare-parehong singers and actors sina Glaiza, Rhian, Rayver at Matt and they all play various instruments with Rhian playing the drums.

Hindi kakataka-taka ang pagiging singer ni Glaiza dahil parehong singers ang kanyang parents. Her father was formerly part of a band habang ang kanyang ina ay dating contestant ng original “Tawag ng Tanghalan” amateur singing competition. The couple even formed a duet, The AlCris nung dekada otsenta.

Si Rayver ay nagmula sa showbiz royalty ng mga Cruz na pawang singers. Uncle niya si Tirso Cruz III at ang yumaong singer-actor na si Ricky Belmonte at mga pinsan naman niya sina Sherryl Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz at Sunshine Cruz. Nakababata rin siyang kapatid ng singer, actor at dancer na si Rodjun Cruz.

Kahit bago pa man siya mag-showbiz at kumakanta-kanta na si Rhian but she did not make it as a profession.

Matt Lozano sings and plays the guitar. Ang kanyang father na si Marlon ay isa ring actor at production manager at producer naman ang kanyang inang si Elaine at biggest break sa kanya ang role na kanyang ginampanan bilang si Big Bird ng “Voltes 5: Legacy Series”.

Bago nag-showbiz ay vocalist na si Arci ng rock band na Philia. Isa rin siyang reservist bilang sergeant ng Philippine Air Force at big fan ng Korean popular K-Pop group na BTS.

The movie “Sinagtala” hits the movie screens nationwide on April 2.

Samantala, Glaiza is married to an Irish businessman na si David Rainey. They married twice, isa sa Ireland nung October 2021 na sinundan ng kanilang Filipiniana-themed Christian wedding on January 23, 2023 sa Botolan, Zambales. The couple carries a long-distrance relationship dahil narito sa Pilipinas ang trabaho ni Glaiza habang nasa Ireland naman ang business ni David. The couple started dating in September 2018. During the pandemic, matagal nag-stay si David sa resthouse ni Glaiza in Baler, Quezon.

ER tumatakbong muli bilang mayor ng Pagsanjan

EjercitoSINCE the death of his wife, ang actress-politician na si Girlie Javier-Ejercito na mas kilala as Maita Sanchez (in showbiz) who succumbed to endometrial cancer last November 3, 2024 at age 55 ay wala na kaming masyadong narinig sa actor-producer na si Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito. Maita served as mayor of Pagsanjan like ER.

Until lately, napag-alaman namin na kandidato siyang muli bilang mayor ng Pagsanjan sa darating na midterm elections. He served as Pagsanjan mayor from 2001 until 2010. Tumakbo siyang governor ng Laguna at nanalo pero noong 2014, tinanggal siya ng COMELEC dahil sa overspending sa pangagampanya noong 2013. Sumubok siyang muling kumandidato bilang Laguna governor noong 2016 at 2019 pero hindi na pinalad. Ang kanyang anak na si Jerico ay tumakbo sa pagka-gobernador ng Laguna nung 2022 pero hindi rin ito pinalad.

Ngayon, pati ang dalawa pang anak ni ER na sina Jhulia at Jet ay parehong kandidato sa magkahiwalay na posisyon sa darating na mid-term elections. Si Jhulia ay kandidato sa pagka-board member ng ikaapat na distrito ng Laguna habang si Jet ay candidate naman sa pagka-konsehal ng Pagsanjan, Laguna na pinagsilbihang bilang mayor ng mag-asawang E.R. at Maita.

Ang pamilya ni E.R. ang nakatira sa ancestral house ng mga Ejercito sa Pagsanjan, Laguna kung saan tumuloy at nagpahinga si FPJ nung ito’y nangangampanya noon sa pagka-pangulo ng bansa.

Sam bakit hindi nagtutuluy-tuloy ang pagsikat?

SamDURING his younger years, marami ang nag-akala na magiging isang matinee idol ang singer, actor, dancer, VJ-host na si Sam Concepcion. Well, almost! Not only because of his good looks but because he is a multi-faceted talent. But at 32, parang hindi pa rin talaga dumarating ang hinahanap sa kanya ng marami na hindi pa nangyayari.

He tried acting on stage, television and movies, he recorded three albums, did shows and concerts kung saan niya ipinakita ang kanyang husay on stage bilang performer pero hindi nagtutuluy-tuloy ang kanyang kasikatan.

May kulang ba sa kanya?

He started at a young age bilang contestant ng “Little Big Star” ng ABS-CBN kung saan siya nanalo, his talent in singing and acting was honed sa teatro until maging aktibo rin siya sa TV and movies.

Samantala, muling magbabalik si Sam sa telebisyon this year.

Si Sam ay nasa pangangalaga ang Viva Artists Agency at Stages.

Sanya nalungkot sa JakBie breakup pero natuwa para kay Jak

SanyaNALUNGKOT ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa break-up ng kanyang elder brother na si Jak Roberto at dating kasintahan nitong si Barbie Forteza na ang relasyon ay tumagal ng pitong taon.

Hindi lamang daw kaibigan kundi tunay nang kapamilya ang turing niya kay Barbie. Pero beyond her control naman umano ang paghihiwalay ng dalawa na kailangan niyang i-respeto.

Umaasa si Sanya na matagpuan nina Roberto at Barbie ang hinahanap ng kanilang mga puso in the future.

As for herself, she admits na nasa dating mode umano siya ngayon pero hindi pa umano ito umaabot sa isang relasyon. Umaasa ang actress na sana’y matagpuan na rin niya ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at mamahalin niya in return. Pangarap din siyempre ng actress na magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Natutuwa naman ang aktres sa kanyang kapatid na si Jak dahil natupad nito ang pagpapatayo ng sarili nitong bahay kung saan nito nakatakdang itira ang kanyang future wife. And in this case, hindi si Barbie `yun.

Heaven muntik nang mag-quit sa showbiz

HeavenSA aming panayam sa actress na si Heaven Peralejo for our online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo” ay inamin nito na kamuntik umano siyang mag-quit sa showbiz bago niya gawin ang pelikulang “Nananahimik ang Gabi” kung saan niya nakabituin sina Ian Veneracion at Mon Confiado mula sa panulat at direksiyon ni Shugo Praico. Ang pakiramdam niya noon ay hindi para sa kanya ang showbiz. She promised herself na last project na umano niya ang “Nananahimik ang Gabi” at tuluyan na siyang hihinto. But lo and behold! Nagbago umano ang kanyang isip when she started hearing good reviews about the movie niya with Ian and Mon kaya nagkaroon siya ng change of heart na ipagpatuloy ang kanyang career.

“Maybe my purpose si Lord kung bakit `yun nangyari,” aniya.

Her performance in “Nananahimik ang Gabi” gave her various nominations mula sa iba’t ibang award-winning movie including Asian Academy Creative Awards na lalo pang nagpatatag sa kanya bilang isang mahusay na aktres.

In 2023, she moved to Viva Artists Agency na siyang nangangalaga ng kanyang career ngayon along with her love-team and boyfriend now, ang Filipino-Italian actor na si Marco Gallo.

Inamin ni Heaven na kahit sa loob pa lamang noon ng “Pinoy Big Brother: Lucky 7” nung 2016 ay nagkaka-gustuhan na umano sila ni Marco pero dahil mga bata pa sila, hindi umano ito nag-prosper paglabas nila bilang housemates ng PBB house dahil sa magkakaibang direction ng kanilang respective careers.

Muli lamang nagbuo ang kanilang closeness sa isa’t isa when they starred in the university series na “The Rain in Espana” in 2023. Pero naging magkasintahan umano sila after the series and not during its run.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-Amoyo.

AUTHOR PROFILE