Ivana

Ivana type makilala si Mr. Beast

March 13, 2025 Ian F. Fariñas 150 views

BeastKUNG meron mang gustong makaharap at makilala ang “Phenomenal Content Queen” ng Quezon City na si Ivana Alawi, ito ay walang iba kung hindi ang 26-year-old American YouTuber/businessman na si Mr. Beast.

Ayon sa pinakabagong house guest ni Kuya sa “PBB Celebrity Collab” edition, type niyang personal na ma-meet si Mr. Beast (real name: James Stephen “Jimmy” Donaldson), dahil gaya niya ay mahilig din itong tumulong sa kapwa.

Para sa mga ‘di nakakaalam, si Mr. Beast ay isa sa pinakasikat na YouTubers sa buong mundo. Daan-daang milyon ang subscribers nito ganundin ang views ng magagarbong content na ipinapalabas niya. Tinagurian din siyang “viral philanthropist.”

“Kasi ganu’n din siya, eh, mapamigay. ‘Yun. Saka natutuwa ako sa mga content niya at sana balang araw makapamigay din ako as much as he can,” paliwanag ni Ivana.

Pagdating naman sa iba pang mga pinapangarap niya sa buhay, sinabi niya na isa rito ang malapit na niyang matupad.

Hindi na tinukoy pa ng celebrity vlogger kung ano ito sa ibinigay niyang post-Christmas/thanksgiving party sa entertainment media kamakailan.

Basta ang tangi niyang binitawan ay, “Meron akong isang pangarap na maa-achieve ko very, very soon. Pangarap ko siya dati pa.”

Ang isa pa niyang pangarap, siyempre, ay ang makabuo ng sarili niyang pamilya.

Sundot ni Ivana, “Next pangarap ko is, siyempre, makabuo na ng pamilya, maging housewife. Alam n’yo naman ‘yun. So, hindi pa natutupad ‘yun.”

Nang tanungin kung may love life ba siya ngayon, diretsahan niyang sinabi na single siya at sa sobrang dami ng ginagawa ay wala talaga siyang panahon maging para sa sarili niya.

AUTHOR PROFILE