TVJ

Tensyon sa ‘Eat Bulaga’ humupa na

March 19, 2023 Aster Amoyo 268 views

MARAMI ang natuwa nang mabalitaang bahagyang humupa ang tension sa longest-running noontime program sa bantang may mga pagbabagong magaganap sa “Eat Bulaga”) dahil sa pamunuan ng TAPE, Inc. (na producer ng naturang noontime show) na kinabibilangan ng mga anak ng businessman at dating politician na si Romeo `Romy’ Jalosjos.

Ang “Eat Bulaga” ay nakatakdang mag-celebrate ng kanilang ika-44 anniversary sa darating na July 30 at malamang na mapapanood pa rin sina dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (or Tito, Vic and Joey) at iba pa.

Magpapatawag umano ng press conference ang mga anak ni G. Jalosjos na sina Mayor Seth Frederick `Bullet’ Jalosjos ng Dapitan City ang kapatid nitong dating kongresista na si Romeo `Jon-Jon’ Jalosjos, Jr. para sagutin at linawin ang mga naglalabasang balita tungkol sa mga pagbabago sa top-rating and longest-running noontime show (in the world), ang “Eat Bulaga”.

Over the years, maramina ring mgaco hosts at staff ang nagpapalit-palit at nagging bahagi ng noontime program gayundin ang iba’t ibang director na humawak nito pero nanatili sa programa ang Tito, Vic & Joey liban na lamang nang pasukin ni Tito Sen ang larangan ng pulitika and he would only appear on the program on special occasions. The late Bert the Leon served as the longest director ng programa. Nagpalipat-lipat din ang programa sa iba’t ibang TV network nanagsimula sa RPN-9 nung 1979 to 1989 na sinundan ng ABS-CBN mula 1989 to 1995 at mula naman nung 1995 up to the present time ay nasa GMA network ang show. Pero napanatili ng programa ang loyalty sa kanilag ng mga manonood sa kabila ng pagkakaroon ng katapat nitong programa sa ABS-CBN, ang “It’s Showtime”

Ang “Eat Bulaga” ay itinatag ng TAPE, Inc. with Tony Tuviera at the helm at nagsimulang umere nung July 30, 1979 sa RPN-9.

Gwen at David hinhintay na ang second baby

DavidDavid1CELEBRITY couple cager David Semerad and model-actress Gwen Zamora are expecting their second baby and it’s going to be a girl. The couple’s elder son, Cooper is now three years old turning 4 on August 15.

The couple got married in a civil ceremony in France on February 13, 2021 followed by their church wedding on December 12, 2022 in Batangas.

David’s twin brother Anthony na isa ring PBA player ay napangasawa naman ang model-actress at entrepreneur na si Sam Pinto. The couple got married in an intimate romantic sunset wedding ceremony on March 8, 2021 at the rooftop terrace of Conrad Hotel Manila in Pasay City overlooking the Manila Bay. They were together for almost three years bago nagpakasal.

Ang mag-asawa ay meron na ring baby girl na si Mia Aya na isinilang nung September 1, 2021.

Barbie magbabakasyon muna sa Amerika

BarbieNAGPAPASALAMAT sina Barbie Forteza at David Licauco sa lahat ng mga taong nagtitiwala sa kanilang tambalan laluna ang kanilang fans.

Ayon na rin mismo kay Barbie, magpapatuloy umano ang team-up nila ni David kahit alam ng lahat na ang boyfriend niya sa tunay na buhay ang ang kapwa niya Kapuso actor na si Jak Roberto.

Pagkatapos ng “Maria Clara at Ibarra,” isinunod kaagad ng GMA ang tambalan ng dalawa sa “Lady and Luke” episodes ng magical anthology na “Daig Kayo ng Lola Lo” at tiyak na may nilulutong bagong serye para sa kanilangdalawa. Labas pa itosapelikulang kanilang pagtatambalan under OctoArts Films na kukunan pa sa Vienna, Austria. Pero bago ito ay magbabakasyon muna ang young actress sa America to visit her family in Chicago.

Ellen ayaw nang mag-artista, tinututukan na lamang si Derek at anak

EllenMASUWERTE ang almost 5-year-old son ni Ellen Adarna na si Elias Modesto dahil may dalawang ama ang nagmamahal sa kanya, ang kanyang biological father na si John Lloyd Cruz at ang kanyang stepfather na si Derek Ramsay who treats him just like his own.

Elias who is turning 5 on June 27 is staying with his mom (Ellen) and husband Derek but sees his biological dad (John Lloyd) regularly.

Whenever may trip abroad ang mag-asawang Ellen at Derek ay hindi puwedeng hindi kasama ang bata tulad ng kanilang recent trips to Finland and Japan kung saan natutong mag-ski si Elias.

Derek has an 18-year-old biological son na si Austin Ramsay s akanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Umaasa naman ang mag-asawang Derek at Ellen na magkaroon sila ng sariling anak.

Samantala, wala na umanong balaksi Ellen na magbalik-showbiz dahil mas tutok ito ngayon sa pagiging wife ni Derek, at sa kanyang bagong tatag na business, ang E11ven which was launched last month. Negosyo rin ang tinututukan ngayon ni Derek more than his showbiz career.

Vilma parang nagsisimula muli

Vilma1Vilma2EXCITED si Vilma Santos sa kanyang pagbabalik-pelikula dahil may tatlong movie projects kaagad ang kanyang gagawin kasama na ang isang kakaibang movie na pamamahalaan ni Direk Erik Matti under Reality Studios.

May niluluto rin umanong weekly sitcom for her pero wala pa umano itong detalye.

“Ang pakiramdam ko nga ay parang magsisimula muli ako,” pag-amin ng bagong mukha ng Angkas motorcycle taxi.

Singer na si Rob Deniel gusto ring subukan ang pag-aartista

RobINAMIN ng 19-year-old recording artist ng Vicor, ang singer-songwriter na si Rob Deniel na bukas umano siya sa posibilidad na mag-cross-over sa acting kung magkakaroon ng pagkakataon lalupa’t ang Vicor ay isa sa mga kumpanyang pag-aari ng Viva Group of Companies.

Pang-matinee idol ang tipo ni Rob Deniel who recently launched his new song na pinamagatang “Ang Pag-ibig,” his 9th solo single. His other hit singles include “Ulap” na may mahigit 40 million streams, “Gabi” with 7 million at sa kanyang singles na “Sinta” at “Kundiman” na may tig-2 at 4 milyong streams.

When we heard him sing ang perform his latest single na “Ang Pag-ibig” ang akala namin ay nakikinig kami kay JK Labajo or di kaya ng Ben&Ben dahil malaki ang pagkakahawig ng kanyang boses sa mgaito. Pero wala umano siyang conscious efforts na gayahin ang mga ito.

Although he considers himself loveless at the moment, pawang tungkol sa pag-ibig ang kanyang mga kino-compose na kanta.

His music influences include APO Hiking Society, Rey Valera at iba pa.

Looking forward si Rob Deniel sakanyang first major solo concert na inaasahan niyang mangyayari sa loob ng taong ito gayundin ang pagkakaroon niya ng first solo album.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE