Default Thumbnail

Tanker nasunog, 1 dedo

October 24, 2023 Jojo C. Magsombol 189 views

BATANGAS City–Patay ang isa sa limang tripulante ng nasunog na tanker vessel sa Batangas City noong Linggo.

Ayon sa report, sumiklab at tuluyang nasunog ang tanker bandang alas-9:20 ng umaga noong Linggo at nai-report bandang 11:20 ng umaga sa dagat halos isang nautical mile ang layo mula sa Batangas City port.

Sa inisyal na impormasyon, nasagip ng mga maningisda ang limang tripulante, kabilang ang isang nasawi, mula sa pinangyarihan ng insidente at dinala sa Batangas Port.

Nasa kustodiya ng Philippine Coast Guard (PCG) Batangas Station ang mga nailigtas ma tripulante. Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng sunog at lawak ng pinsala, ayon sa PCG.

AUTHOR PROFILE