Posas

Suspek sa killing nag hide-and-seek game over

August 29, 2023 Edd Reyes 333 views

NATIMBOG din ang 55-anyos na lalaking suspek sa murder matapos ang dalawang taong pagtatago sa batas sa Malabon City noong Lunes.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang nadakip na si Edgar Garcia, 55, ng Blk 48, Lot 14, Phase 3, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Bago maaresto ang suspek, nakatanggap ng impormasyon si P/Lt. Armando Pandeagua, Jr. ng District Special Operation Unit (DSOU) ng NPD noong Lunes ng umaga, na nakita si Garcia na palibot-libot sa Brgy. Longos.

Kaagad nagkasa ng operasyon ang DSOU sa pangunguna ni Pandeagua dala ang warrant of arrest na inilabas ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169.

Walang inirekomendang piyansa kapalit ng pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE