Suspek HULI–Ang akusado na si alyas Joy na natimbog sa loob ng canteen ng isang eskwelahan sa Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Suspek sa child abuse timbog sa Maynila

October 10, 2023 Jonjon Reyes 330 views

ARESTADO sa mga pulis ng Manila Police District (MPD) noong Lunes ang isang 22-anyos na canteen helper dahil sa paglabag sa Section 10 (A) ng Republic Act 7610 o child abuse.

Inaresto ang suspek sa loob ng canteen ng Unibersidad de Manila (UDM) sa Carlos Palanca St., Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division ng MPD, ang suspek na si alyas Joy, ng Fraternal St., Barangay 385, Quiapo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), bandang 6:45 ng gabi nang arestuhin ang ginang sa loob ng canteen sa nasabing unibersidad.

Naaresto ang suspek sa pangunguna ni Soriano kasama ang kanyang mga tauhan.

AUTHOR PROFILE