
RIPS intel agent timbog sa pagnanakaw
INARESTO ang isang 64-anyos na Intelligence Agent ng Revenue Integrity and Protection Service (RIPS) dahil sa pagnanakaw sa Manila City Hall sa Ermita, Maynila noong Lunes.
Nakilala ang suspek sa alyas Chris, ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon kay Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Investigation Division 2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, bandang 10:20 ng umaga nang maaresto ang suspek.
Nag-ugat ang pagkakatimbog kay Chris nang inguso ito ng isang mapagkakatiwalaang impormante.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr. ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa suspek dahil sa robbery o pagnanakaw.