Default Thumbnail

Smuggler ng sibuyas dapat mabulok sa kulungan

November 19, 2023 Vic Reyes 156 views

Vic ReyesKAMAKAILAN ay isa umanong big-time onion ismagler ang bumagsak sa kamay ng mga otoridad na ikinagalak ng maraming sektor.

Nangunguna na rito ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Ayon kay Commissioner Rubio, ang pagkaaresto ng ismagler ay isang “huge step” sa kampanya ng gobyerno laban sa ismagling.

Matatandaan na ang isa sa unang marching orders ni Pangulong Marcos sa BOC ang paghabol sa mga ismagler ng produktong agrikultura.

Kasama na rin ang mga taong nagpapasok ng mga illegal na droga sa bansa.

Alam kasi ni Pangulong Marcos na malaking perhuwisyo sa bayan at mamamayan ang pagpasok ng illegal drugs at agricultural products.

Ayon kay Rubio, ang pagkaka-aresto sa onion smuggler “shows the commitment of the Marcos administration to go after those big-time agricultural smugglers.”

Dagdag pa ni Rubio: “Bringing in those goods to the country illegally is a significant threat to our economy, to the livelihoods of small farmers, and to the competitiveness of legitimate businesses.”

Noong Nobyembre 15, sinabi ni Senador Cynthia A. Villar na isang Jayson de Roxas Taculog ang inaresto pagkatapos na mag-smuggle ng sibuyas sa bansa.

Ang mga kontrabando ay nakalagay sa 30 bcontainers.

Ang anti-smuggling operation ay isinagawa ng mga taga-BOC sa pakikipagtulunganr sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Deputy Commissioner Juvymax Uy, ang operasyon “showcased our commitment to bringing those perpetrators to justice.”

Dagdag ni Uy: “In many cases, smuggling agricultural, poultry and food products poses a threat to the health and safety of consumers.”

Talagang suportado ng administrasyon ang kampanya ng BOC laban sa agricultural smuggling.

Sa katunayan ay kamakailan lang ay sinertipikahan ni Pangulong Marcos bilang “urgent” ang isang panukalang batas na naglalayong i-repeal ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.”

Ito ang Senate Bill (SB) No. 2432 o ang “Ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.”

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang SB No. 2432 “aims to end acts of smuggling, hoarding, profiteering and cartel of agricultuiral and fishery products.”

Sa ilalim ng nasabing bill, ang mga violator nito ay mapaparusahan ng life imprisonment at magbabayad ng multang “thrice the value of involved products.”

Sa tingin ng maraming waterfront stakeholders, malaking tulong ito sa anti-smuggling drive kung maisasabatas ang SB No. 2432.

Tumpak!

***

Mabuti naman at nag-usap na ng personal sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jingping.

Naganap ang pag-uusap ng dalawang lider sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco, California sa Estados Unidos.

Pinag-usapan nina Marcos at Xi ang pagpapababa ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“I simply once again voiced to him my concern on some of the incidents that were happening between Chinese vessels and Philippine vessels, culiminating in an actual collission, as we have seren before,” ani Marcos.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na nagkaroon na sila ni President Xi ng mekanismo para maayos ang gusot sa West Philippine Sea.

Sinabi din ni Presidente Marcos na hindi dapat na saktan ang mga kababayan nating nangingisda lamang sa nasabing lugar.

Tama lang na ipinarating ni Marcos kay President Xi ang concerns ng mamamayang Pilipino sa mga hindi kanais-nais na nangyayari sa WPS.

Isa pa, ang mga lugar na pinupuntahan ng ating mga mangisngisda ay nasa loob ng tinatawag na exclusive ecoomic zone ng Pilipinas.

Hindi sila nag-ooperate sa labas ng EEZ.

Tama ba kami, Pangulong Marcos at US President Joe Biden?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484 email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE