Samonte Iniharap ni P/Maj. Edward Samonte, hepe ng MPD-SMaRT, ang suspek na sikyu makaraang ‘molestiyahin’ umano nito ang tatlo niyang stepdaughter. Kuha ni JON-JON REYES

Sikyu tiklo sa pangmomolestiya ng 3 stepdaughter

March 9, 2023 Jonjon Reyes 623 views

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 43-anyos na security guard o “sikyu” ng maaresto ng mga operatiba ng Special Mayor Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District (MPD) matapos inireklamo ng “pangmomolestiya” umano sa tatlo nitong stepdaughter, nang matunton sa loob ng isang gusali sa Gil Puyat, Makati City nitong hapon ng Miyerkules.

Ang suspek na residente ng Pinagbuhatan, Pasig City ay nasukol ng mga operatiba habang naka-duty sa kanyang pinapasukang trabaho, bandang 4:30 ng hapon sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, inatasan nito sina P/Maj. Emmark Dave Apostol, deputy chief at P/Capt. Edgar Julian, kasama ang ilang mga tauhan ng Intelligence mula sa EDIT-RIU-NCR at IG matapos ang surveillance sa kinaroroonan ng suspek.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Carmencita V.P. Lacandazo-Logan ng Regional Trial Court Branch 12 ng Pasig City sa kasong four counts of “sexual abuse” under Sec. 5 (b) sa ilalim ng Republic Act 7610.

Ayon sa rekord ng korte, paulit-ulit ang ginagawa umanong “kahayupan” ng suspek at pang-aabuso sa tatlong babaeng anak ng kanyang kinakasama.

Ang suspek na security guard ay kabilang din sa district level na “most wanted person” matapos silbihan ng mga operatiba ng MPD-SMaRT ang kanyang warrant of arrest na walang inilaang piyansa.

Malugod na nagpasalamat si “The Game Changer General” MPD Chief Andre P. Dizon sa operasyon ng SMaRT alinsunod sa mga programang “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) at “Oplan Saliksik at Pagtugis.”

AUTHOR PROFILE