Sharon

Sharon, Gabby kapag nag-hit ang concert, tuloy na ang reunion movie?

September 28, 2023 Joey Aquino 321 views

BACK to each other’s arms ang estranged couple na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Only in a concert, that is.

Yes, the two agree to stage a concert for their diehard fans. ‘Di maikakaila na marami pa rin ang nagmamahal sa kanilang love team. To refresh memory, they were first paired in the movie “Dear Heart” in 1981 until becoming one of the country’s hottest love teams. From reel, Gabby and Sharon became real sweethearts then they wed in 1984. Si KC Concepcion ang nagging bunga ng kanilang pagmamahalan. Unfortunately, they parted ways in 1987, officially ending their marriage in both the civil courts and the Catholic church in 1994.

Ngayon, muli nilang pakikiligin ang kanilang fans. Nauna pa ang concert kaysa sa reunion movie ng dalawa. Siguro less risky ang concert sa usaping return of investment (ROI). Pero may ilang bashers na nagtataas ng kilay sa venue nito. Kaya daw banilang punuin ang SM Mall of Asia Arena? Bukod pa sa mahal ang tiket, P18,500 ang pinakamahal at P 1,200 ang pinakamura. Kantyaw naman ng isang kaibigang TV writer, mukhang ‘di pa raw talaga nakaka-move on si Sharon kaya patay na patay ito na makasama si Gabby kahit sa isang project lang. Natawa lang kami sa kanya. Obvious na hindi siya fan ng dalawa.

Happening on October 27, their concert “Dear Heart 2023” is the same title of their first movie. Hindi na nag-effort sa title. Mukhang umasa na lang ang producers sa significance at memories ng nasabing pelikula.

Speaking of movie, ang commercial success ba ng kanilang concert ang magiging basehan kung itutuloy nila ang reunion movie o hindi? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties para sa anumang paglilinaw, komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE