Default Thumbnail

Shabu patungong New Zealand, nasabat sa Port of Clark

January 10, 2024 Vic Reyes 102 views

Vic ReyesMABUTI na lang at alerto at highly-trained ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark (POC) sa probinsya ng Pampanga.

Kung hindi ay baka nakalusot ang shipment ng methamphetamine chloride, o mas kilala sa tawag na shabu, na patungong New Zealand.

Nagkakahalaga ng P7.507 milyon at may timbang na 1,104 grams, ang shabu ay galing ng Paranqque City, Metro Manila (MM).

Ang shipment ay idineklarang naglalaman ng “shaft drive model,” ayon kay POC District Collector Erastus Sandino Austria.

Ito ay minarkahang “suspicious” pagkatapos na dumaan sa x-ray scanning na isinagawa ng mga tauhan ng X-ray Inspection Projectv (XIP).

Bago binuksan ang shipment ay dumaan rin ito sa K9 sniffing kaya nang buksan ito ay tumambad sa mga taga-Port of Clark ang tatlong “packs of white crystalline substances” na hinihinalang shabu.

Nakumpirma ng chemical laboratory analysis na isinagawa ng Philippine Drug Enforcemenet Agency (PDEA) na ang substances ay shabu.

Ito ay isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act No. 9165.

Dahil sa positive findings ng PDEA, ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB), ay nag-isyu si Austria ng warrant of seizure and detention laban sa shipment.

Ang Port of Clark ay determinadong pigilan ang pagpasok at pag-alis sa bansa ng mga ipinagbabawal na produkto na kagaya ng shabu.

Matatandaan na isa sa unang marching orders ni Pangulong Marcos sa BOC ay patigilin ang ismagling ng droga at produktong agrikultura.

Sa totoo lang, pansamantalang pinamunuan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture dahil sa kagustuhan niyang patigilian ang ismagling.

Kaya nga all-out ang suporta ng mga taga-BOC sa “nationwide campaign against the illegal entry into the country of contrabands.”

DAPAT LANG!

***

Ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa noong nakaraang Nobyembre ay napakagandang balita sa atin.

Lalo na’t nandiyan pa rin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa bansa.

Ang mabuti ay nakatutok ang atensyon ng mga otoridad sa pagsipa ng presyo ng essential commodities na kagaya ng pagkain, kasama na ang bigas.

Hindi dapat tumaas ang presyo ng pagkain “beyond the reach of the poor, who comprise the bulk of the country’s populastion.”

Naintindihan natin na kailangan namang kumita ang mga negosyante.

Pero hindi naman dapat sobra-sobra ang kitain nila dahil hindi na makatwiran ito sa gitna ng nararanasang economic hardship sa buong mundo.

Marami ang nagsasabing ang ugat ng pagsipa ng presyo ng mga bilihin ay ang katakawan ng iba nating kababayan na ang gusto ay pahirapan ang taumbayan.

Nandiyan ang mga profiteers at hoarders na walang ginawa kundi magsamantala.

Sila ang dapat tutukan ng mga otoridad para matulungan ang naghihirap na taumbayan.

Tama ba kami, Pangulong Marcos?

***

Kaunting ingat tayo dahil nagsisimula ng lumamig sa Pilipinas.

Maraming nagkakasakit ng sipon at ubo, lalo na ang mga kabataan at matatanda.

Hindi masyadong maginaw noong panahon ng Kapaskuhan. Pero ngayon, iba na ang ginaw sa madaling araw.

Kailangan na nating magsuot ng makakapal na jacket at kumot.

Ang mga apektado dito ay ang mga taong kailangang lumabas ng bahay na maaga, kagaya ng mga magsasaka at mangingisda, para magtrabaho.

Iwas lang tayong magkasakit dahil mahal magpa-doktor ngayon.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE