Katas

Sexy star umaming hindi marunong gumamit ng plaster

February 3, 2024 Leah C. Salterio 183 views

“Katas ng pag-ibig, katas ng paghihiganti.”

‘Yan ang pinanggalingan ng title ng latest film ni Direk Roe Pajemna, ang pang-apat na project ng newbie sexy actress na si Sahara Bernales.

Kasama rito ni Sahara sina Yda Manzano, Chester Garcia at Aria Bench.

Unang ipinakilala si Sahara last year sa series na Halo Halo X ni Direk Roman Perez Jr.

Pagkatapos nu’n ay ginawa niya ang Salakab ni Direk Roman pa rin. Ang huling pelikula niya ay ang Hibang ni director Sigrid Polon na ipinalabas last year din.

“Thankful ako kasi napakatiyagang director ni Direk,” ani Sahara, na naging emotional sa pag-alala ng mga eksena niya sa Katas.

“Napaka-sweet niya. Pinalakas niya ang loob ko.

“Nahirapan ako sa pag-comfort ko sa kaibigan ko. Ang daming take ang nagawa ko doon sa scene na iyon. Feeling ko ako ‘yung cause ng delay ng scene,” kwento ni Sahara.

Hindi naman alam ni Aria na kailangan niyang gumamit ng plaster sa mga delicate scenes niya.

“Hindi ako marunong maglagay ng plaster,” paliwanag ni Aria. “Hindi ko alam gamitin ang plaster. Hindi ko alam paano ilalagay. Masakit yata ‘yun. Sinabi sa akin importante ang plaster.

“Hindi ko po tinanong kung paano gamitin ang plaster. Hindi ko alam. Masakit yata ‘yun. ‘Yung character ko dito sa Katas, sobrang chismosa, malandi, makiri. Powerful at energetic,” ani Aria.

Na-confirm din ni Direk Roe na paulit-ulit ang pag-console ni Sahara sa friend niya.

Ang only actor na character sa movie, si Chester, nahirapan naman sa eksenang may mga ahas.

Sinabi niya sa mediacon na hindi siya totoong nakipag-interact sa mga ito. “Yet, I have to bring out my character in that scene,” sabi niya.

Paliwanag naman ni Direk Roe, kinailangan niyang maglagay ng mga ahas sa scene dahil may undertone na “ahasan” ang istorya.

AUTHOR PROFILE