Seth

Seth umaming nahirapan sa viral Dubai promposal kay Francine

March 16, 2024 Vinia Vivar 111 views

Inamin ni Seth Fedelin na sobrang na-stress siya sa isinagawang promposal sa ka-loveteam na si Francine Diaz para sa Star Magical Prom 2024.

Matatandaan na sa Dubai pa nag-propose ang aktor nang magtungo sila roon para sa isang show noong Pebrero.

Sa Star Magical Prom 2024 na ginanap kamakailan ay ikinuwento ni Seth sa Magic Mirror interview ang ginawa niyang promposal.

“Actually, ako, sobrang nai-stress ako talaga na sa Dubai gagawin ‘yung promposal ko para kay Francine. Pero sinabi ko nga do’n habang ginagawa ko siya, ‘para ‘to kay Francine, eh, so ano ‘yung dahilan ko para mahirapan ako?’” ani Seth.

“Saka best ‘yon, eh, kasi in-enjoy namin ‘yung Dubai, in-enjoy namin ‘yung Desert Safari and na-enjoy ko siya kasama do’n,” nakangiting sambit pa ng aktor.

Nag-viral ang promposal video ni Seth last February kung saan ay mapapanood ang pagpo-propose niya kay Francine habang nasa stage sila sa gitna ng sigawan at hiyawan ng audience.

AUTHOR PROFILE