Donbelle

DONBELLE MUNTIK MAG-KISS!

March 16, 2024 Vinia Vivar 81 views

Ikinuwento nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang ‘almost kiss scene’ nila sa Can’t Buy Me Love na napanood last week at kinakiligan ng DonBelle fans.

Dumalo ang magka-loveteam sa Star Magical Prom 2024 na ginanap kamakailan at sa Magic Mirror segment ay natanong sila kung ano ang tumatakbo sa isip nila habang kinukunan ang nasabing kilig scene.

Ayon kay Belle, basta ang naririnig lang nila that time ay ang instruction ng direktor na “lapit pa, lapit pa, closer.”

Pero sey nila, naalala rin nila na nanginginig na ang mga labi nila that time dahil sa lamig dahil sa Baguio kinunan ang nasabing eksena.

Agree si Belle at aniya, “It was actually really cold.”

Kwento naman ni Donny, totoo na ‘yung scene na napanood na inakbayan niya si Belle dahil talagang nilalamig na ang leading lady niya that time.

“Totoong giniginaw kami do’n,” sey ni Belle. “He was kind enough to share his jacket with me.”

Ani Donny, “Two layers ang suot niya, so sobrang giniginaw siya. Naka-sando lang siya, ako kasi, tatlo, eh.”

Anyway, last year, ang DonBelle ang kinoronahang Star Magical Prom King & Queen. This year, isinalin nila ang korona kina KD Estrada at Alexa Ilacad.

AUTHOR PROFILE