Kris4

CONFINEMENT NI KRIS NAUDLOT NG COVID ALERT

March 16, 2024 Vinia Vivar 80 views

Hindi pa pala naku-confine si Kris Aquino sa University of California Los Angeles (UCLA) Hospital para sa kanyang treatment.

Ayon sa ibinigay na update ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, nagkaroon ng COVID alert sa medical facility.

“She’s still coping with the treatments. She postponed her confinement at UCLA Hospital. While I was still there, nagkaroon ng COVID alert sa mga medical facilities,” pahayag ni VG Mark.

Nasa Pilipinas ang bise gobernador ngayon pero kapag kailangan siya ni Kris ay kaagad siyang lilipad.

“That’s why I decided to go home first kasi waiting time but anytime that she needs me in Los Angeles, of course, I’ll give it my utmost priority. Siyempre, may mga responsibilidad din ako dito kaya kailangang magtrabaho din at maglingkod sa lalawigan.

“But as I’ve said, isang tawag lang, mabilis pa ako sa alas-kuwatro na babalik,” aniya.

Kung wala naman umanong emergency ay nakatakda siyang bumalik ulit sa US after Holy Week.

“Kasi nagsasalitan din kami ng mga sisters niya, ng mga ibang kaibigan para hindi sabay-sabay rin. That way, we are assured that Madam is in good company other than the company, of course, of Bimb (Kris’ youngest son), kasi si Kuya Josh (Kris’ eldest son), ‘andito, eh, sa Pilipinas,” aniya.

Mas pinili umanong mag-stay ni Bimby with Kris kesa umuwi ng ‘Pinas dahil gusto niyang maalagaan ang ina.

“Alam mo, si Bimb, talagang hahanga ka sa bata, he’s way ahead of his time even he’s only barely 17,” papuri pa ni VG Mark kay Bimby.

“He’s mature, very responsible for his age and takes good care of his mom like no other,” sey pa niya.

Bagama’t kritikal ang next six months for Kris, ayon sa politiko, so far ay kinakaya naman niya ito.

“Of course, her condition is critical pero sa awa ng Diyos, nairaraos. Malaking bagay ‘yung mga panalangin na ipinapaabot natin sa kanya,” saad ni VG Mark.

Hiling ng politiko sa mga supporter at kaibigan na ipagpatuloy ang pagdarasal para kay Kris.

“Your prayers go a very, very, very long way. Sa una’t sa huli, Diyos lang ang ating sandigan,” he said.

Nang mahingan ng mensahe para kay Kris, sey ni VG Mark, “I miss you and I always pray for you, and I love you. Alam mo ‘yan.”

AUTHOR PROFILE