Default Thumbnail

Senglot vs senglot: 1 tigok

December 19, 2023 Jojo C. Magsombol 173 views

TIGOK ang isang senglot na driver matapos pagsasaksakin ng kaaway na senglot din sa Diversion Road sa Brgy. Alangilan, Batangas City.

Nagtamo ng maraming saksak ang biktimang si Alvin Lualhati Pentinio, 27, ng Brgy. Cuta, Batangas City, ayon sa Batangas City police.

Tumakas ang suspek na nakilalang si alyas Jed ng Brgy. Bolbok, Batangas City. matapos ang pananaksak.

Base sa report, dumating ang suspek bandang alas-5:00 ng umaga sa lugar at kinompronta ang biktima tungkol sa kanilang pinag-awayan.

Matindi ang sagutan ng dalawa kaya biglang nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima na duguang bumagsak sa kalye.

Naisugod pa ang biktima sa ospital pero natigok dakong alas-5:44 ng umaga, ayon kay Dr. Siselle Zyra-Fajardo, ang attending physician.

Parehong lasing ang dalawa nang maganap ang insidente.

AUTHOR PROFILE