Default Thumbnail

3 aktibistang bebot surrender na

December 19, 2023 Steve A. Gosuico 160 views

GABALDON, Nueva Ecija–Boluntaryong sumuko ang tatlong babaeng aktibista noong Lunes sa Nueva Ecija police.

Ayon kay Nueva Ecija police director Col. Richard Caballero, bunsod ang pagsuko ng joint special intelligence operation ng 1st Provincial Mobile Force Company kasama ang iba pang supporting police at Army units sa Brgy. Calabasa dakong ala-1:35 ng hapon sa Gabaldon

Dahil sa pagsuko, pinutol na nang tuluyan ng tatlong aktibista, na pawang residente ng Brgy. Calabasa, ang ugnayan sa Alyansa ng Magbubukid ng Gitnang Luzon-Nueva Ecija chapter ng Liga ng Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (LMBGL).

Opisyal na tumalikod ang tatlo sa pamamagitan ng pagtuligsa sa grupo at panunumpa ng katapatan sa gobyerno, ayon kay 1st PMFC chief Lt. Col. Cornelio D. Ordanza.

Na-recruit ng rebeldeng grupo noong 2012, sumasailalim na ngayon sa debriefing sa 1st PMFC ang tatlong sumuko.

“Kami ay matatag na sumusuporta sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70 sa Nueva Ecija bilang pagsunod sa mga direktiba ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr. na wakasan ang lahat ng lokal na terorismo sa buong rehiyon.”

Tumutukoy ang EO 70 sa pag-institutionalize ng isang whole-of-nation approach para makamit ang kapayapaan at lumikha ng task force para wakasan ang armadong pakikipaglaban ng mga rebelde.

AUTHOR PROFILE