Default Thumbnail

Senador JV Ejercito-Estrada magbabalik Senado!

September 27, 2021 Marlon Purification 499 views

Marlon PurificationKA-ZOOM ng Senate media si dating Senador JV Ejercito-Estrada.

Kinumpirma nito na plano uli niyang sumabak sa 2022 senatorial elections.

Ani Ejercito, sakaling palarin na makabalik Senado, plano niyang ituloy ang naunang adbokasiya para sa pagsusulong ng Universal Health Care (UHC) at ang infrastructure sa bansa.

Sinabi ni Ejercito na gagamitin pa rin niya ang kanyang 2019 campaign slogan na “The Good One” at ipagmamalaki ang kanyang track record.

“Ihaharap ko ulit ang aking track record bilang senador mula 2013 to 2019 bago po ‘yun ay bilang mayor at congressman ng San Juan mula 2001,” giit ni Ejercito.

“At higit sa lahat, ang aking track record na walang bahid na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kahit kapos sa panggastos sa kampanya, ang aking malinis na pangalan at aking track record ang aking magiging pambato sa halalan,” dagdag nito.

Noong 2019 elections, nabigo si Ejercito na makapasok sa Magic 12, gayundin ang kanyang half-brother na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Si JV ‘The Good One’, ay pang-13 sa nakaraang midterm elections, habang pang 15 sa puwesto ang kuya nitong si dating Senador Jinggoy Estrada,

Nakakuha si Jingoy ng mahigit 14 million votes, samantalang si Jinggoy ay nakakuha naman ng mahigit 11 million votes.

Inamin ni Ejercito na malabo na silang magkasundong magkapatid, ngunit umaasa pa rin itong magkaayos sila at dapat ay isa lamang sa kanila ang tumakbo sa pagkasenador.

Kinumpirma ni The Good One na kinunsulta na niya ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa kanyang senatorial bid. Ayaw na rin aniyang mamagitan ni Erap sa magkapatid at ipinauubaya na lamang sa kanilang dalawa ang planong pagsabak muli sa darating na halalan.

LENI ANG VP NI PACMAN?

Ito ang bagong impormasyon na kumakalat ngayon.

Sinabi ng source na anumang oras ay mag-aanunsiyo si Vice-President Leni Robredo hinggil sa pagsabak nito sa Halalan 2022.

Kung walang mangyaring pagbabago, malamang ang pakikipagtambalan nito kay Senador Manny Pacquiao.